Vet who went viral clears up wrong impression on veterinarians

May mensahe ang veterinarian na nag-viral kasunod ng post niya ukol sa ginawang pangmamaliit sa kanya ng isang female medical doctor.

Nais niyang linawin at ituwid ang wrong perception ng ibang tao ukol sa kanyang profession bilang isang veterinarian.

Siya si Cristopher Dela Cruz o Doc Cris.

“Maraming wrong impression na gusto kong itama.

“Pero ang pinakagusto kong itama ay yung iniisip ng ilan na mga albularyo kami sa hayop. Doctor po ang mga vet,” parte ng mensahe ni Doc Cris sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong November 6, 2024.

VET WHO WENT VIRAL AND THE INCIDENT

Noong October 31, 2024, nag-post sa Facebook si Doc Cris tungkol sa isang pick-up vehicle na naurungan ang kanyang kotse.

Sa presinto, nagkaharap sina Doc Cris at ang female doctor na may-ari ng pick-up.

Bagama’t nagkaareglo sila sa isyu ng sasakyan, nagbitiw umano ng pahayag ang female doctor na minaliit ang pagiging beterinaryo ni Doc Cris.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi raw ng doktor: “I wouldn’t call you a doctor since you’re not on par with a real doctor.”

Inilahad ni Doc Cris sa kanyang Facebook post ang pangyayari, partikular ang pagkagulat niya na mababa ang tingin ng doktora sa mga beterinaryo.

Bukod sa paglalahad ng kuwento, kinuha rin ni Doc Cris ang pagkakataong ma-educate ang publiko ukol sa kanilang trabaho.

Bahagi ng post niya, “I think this is the best opportunity to educate those who undervalue our profession.”

Sa exclusive interview ng PEP, may mensahe si Doc Cris na layuning itama ang maling pananaw ng iba tungkol sa veterinarians.

veterinarian injects puppy
Doctor Cristopher Dela Cruz addresses impression that vets like him are not on par with medical doctors.

Photo/s: Cristopher Dela Cruz

VETS ARE DOCTORS

Katulad ng medical doctors, taon din ang binibilang ng estudyanteng nag-aaral ng veterinary.

“We have extensive diagnostic machines available just like what human [medicine has],” saad ni Doc Cris.

“And hindi nakakausap ang mga hayop, kaya we rely on these diagnostic tools, tulad ng clinical history, observation sa hayop, signalment, and lab exams.

“Hindi kami basta nanghuhula lang na parang albularyo. And hindi rin kami nag-oorasyon para gamutin ang mga hayop.”

May isa pang insidenteng naikuwento si Doc Cris sa PEP ukol sa maling pananaw ng iba sa kanyang chosen profession.

Aniya, “I had this experience when I was just five years in my profession, kung saan yung babae ay nagrereklamo dun sa vet ng aso niya kasi hindi daw napapagaling ng vet yung alaga niya.

“Kasi daw ang mga vet daw sa Pinas ay hindi doctor kundi mga albularyo, unlike daw sa U.S. kung saan siya galing.

“Tinanong ko siya kung napapainom ba nang maayos ng gamot na nireseta ng vet. Hindi niya naman masagot nang maayos.”

At in-address muli ni Doc Cris ang naging pahayag ng doktora na hindi raw ka-level ng medical doctors ang animal doctors.

Aniya, higit pa sa paggamot ng hayop ang responsibilidad ng veterinarians.

“Second, yung iniisip ng iba na mababang uri kami ng doctor. That we’re not on par with other professions.

“Siguro nga mahalaga ang profession nila kasi buhay ng tao ito, pero we’re doing the same thing sa mga hayop.

“We’re also concerned with public health. We make sure to mitigate the transmission of animal diseases to humans, such as rabies, avian flu, and many other diseases.

“We also have to remember that vets are not just for pets; we also help provide hygienic food for humans.

“The next time you sit at your table and eat eggs, milk, or meat, remember that these products passed through the hands of vets before reaching your table.

“Let’s respect all professions, no matter what they are. Each of us has a role to play in our society, and every role is important.”

doc cris on veterinary studies

Idinetalye rin ni Doc Cris ang paghahanda ng isang student na kumukuha ng kursong veterinary medicine.

Anim na taon ang ginugugol dito at mayroong licensure examination na dapat ipasa.

Sabi niya, “Bale two years preparatory and four years proper ang pag-aaral ng Vet.

“Sa last year ng pag-aaral namin ginagawa ang internship.

“I think most vets would agree with me if I say na sobrang hirap ng pag-aaral ng vet.

“In fact, sa klase namin, 36 kami nag-start, 6 lang kami grumadweyt on time.

“And sobrang hirap din ng board exam. Last year, yung result ng board exam ay 92 out of 985 lang ang pumasa.

“So that’s only 9% ng total examinees.”

Si Doc Cris ay graduate sa Central Bicol State University of Agriculture.

Aktibo rin siya sa pamumuno sa isang vet association sa Bicol. Sabi niya, “President po ako ng Bicol Veterinary Medical Association.”

Ang misyon ni Doc Cris ay “mailapit ang aming profession sa mga tao, especially sa mga far-flung areas, and let them know that we exist to help them.”

Pagpapatuloy niya, “Kaya ang ginagawa namin ngayon ay naglilibot kami sa mga munisipyo para mag-provide ng libreng anti-rabies, castration, and spaying. Bale tulong na rin namin sa kampanya laban sa pagkalat ng rabies sa Bicol.”

Sinimulan na rin daw ang kanilang e-konsulta para sa mga taong nasa malalayong lugar at nangangailangang kumonsulta sa vets.

“Sa paraang ito, mas marami ang magiging aware sa tulong na ginagawa ng mga vet,” saad niya.

veterinarian
Doc Cris highlights the hard work of vets: “And hindi rin kami nag-oorasyon para gamutin ang mga hayop.”

Photo/s: Cristopher Dela Cruz

MESSAGE TO THE PUBLIC

Kaugnay naman ng kanyang post, sinabi ni Doc Cris na hindi niya intensiyong mag-viral ito.

Sabi niya, “I just wanted to make my Facebook friends be aware of our profession kasi I seldom post anything related to my profession.

“I didn’t think it would reach so many others. Pero hindi ko talaga intention na magalit ang public dun sa doctor, pero yun nga, hindi ko naman control ang emotion ng mga tao.”

May sagot din siya kung bakit marami ang nakisimpatiya sa kanya.

“Siguro may ibang nakaranas na rin ng pangmamaliit sa kanila. O kaya baka may mga alaga silang pets na parte talaga ng pamilya nila and ayaw nilang nila-lang yung alaga nila.

“May mga vet student and vet ang nakita ko na nag-share, I think they were my ally in spreading the awareness to the public.”

Pinasalamatan niya ang mga taong nakaunawa sa point niya.

“Thank you for the kind words—each of your messages is appreciated.

“We have to remember that the contributions of vets to our society are important.

“Let’s stop comparing and saying that one profession is better than another. That’s not how society should be.

“Mutual respect in every profession is important and everyone’s contributions should be valued, regardless of their role.”