Vehicular accident pangunahing naitatala sa Alicia – PNP

CAUAYAN CITY – Pangkalahatang mapayapa ang buong Bayan ng Alicia maliban na lamang sa mangilan ngilan na Vehicular incident na kinasasangkutan ng mga nakamotorsiklo.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Police Lieutenant Rex Ubias, ang Deputy Chief of Police ng Alicia Police Station sinabi niya na madalas na sangkot sa aksidente ang mga kabataan na menor de edad at walang pahintulot na magmaneho.

Bilang tugon sa nagaganap na vehicular accident ay madalas silang nagsasagawa ng patrolling para imonitor ang mga motoristang mabilis magpatakbo.

Maliban dito ay may ilang mga programa silang isinasagawa tulad ng operasyon laban sa iligal na pagsusugal, kampanya kontra droga at Oplan pagtugis kung saan may operasyon sila laban sa mga taong pinaghahanap ng batas.