Valentine Rosales, binahagi ang mensahe ng kaibigang kanyang pinagtanggol

Valentine Rosales, binahagi ang mensahe ng kaibigang kanyang pinagtanggol.

Inilabas ni Valentine Rosales ang screenshot ng mensahe ng kanyang kaibigan na kanyang pinagtanggol sa pamamagitan ng isang post. Ito ang kaibigan niya na aniya ay sinaktan ni Zeinab.

Makikita sa screenshot ng kanilang pag-uusap ang pasasalamat ng di niya pinangalanang kaibigan dahil pinagtanggol siya nito. Siya umano ang lalaban para sa kaibigan dahil ayos lang sa kanya na ma-bash dahil sanay na umano siya na ma-bash.

Hindi umano deserve ng kanyang kaibigan na ma-bash dahil mabait itong tao.

“They Don’t know the whole story, Don’t let them distrupt your inner peace babe, ako na ang bahala sanay na ako jan babe. Nakakahiya sa loob pa talaga ng bar makikipag rambulan.”

Matatandaang sa kanyang Facebook post, sinabi niya rin na sana ay huwag dalhin ang ugali nito sa loob ng club dahil wala umano sila sa boxing arena. Umabot na sa mahigit 3K shares ang kanyang post kaugnay dito. Hindi naman niya binanggit ang pangalan ng kanyang kaibigan.

Aniya ay hindi niya hahayaang inaapi ang kaibigan niya. Kasalukuyang nasa popular search ang pangalan ni Valentine sa social media kasunod ng kanyang patutsada.

Si Valentine Rosales ay isa sa mga magkakaibigan na nakasama sa pagdiriwang ng bagong taon ng 23-anyos na flight attendant na si Christine Dacera bago siya makitang wala nang buhay sa bathtub ng tinuluyan nilang kwarto sa City Garden Hotel sa Makati noong Enero 1 noong nakaraang taon.

Matapos ang kontrobersiyang kinasangkutan, naging usap-usapan din si Valentine sa kanyang kontrobersiyal na post na aniya ay kanyang karanasan sa loob ng isang convenience store sa kasagsagan ng pangangampanya nitong nakaraang eleksiyon. Kinalaunan ay inihingi din niya ng dispensa ang kanyang binahaging post na talaga namang umani ng samu’t-saring reaksiyon.