VACCINE, ‘DI RAW APRUBADO NG DOST Hinimok ni dating Department of Agriculture (

VACCINE, ‘DI RAW APRUBADO NG DOST

Hinimok ni dating Department of Agriculture (DA) secretary Leonardo Montemayor nitong Lunes, Agosto 26, ang Bureau of Animal Industry (BAI) na suspendihin ang pagbabakuna sa mga baboy laban sa African swine fever (ASF) dahil sa mga tanong hinggil sa kaligtasan at bisa ng bakuna.

Ginawa ni Montemayor ang apela habang naghahanda ang BAI na magsagawa ng controlled trial sa Batangas sa Setyembre 2.

Sinabi niyang hindi dumaan sa National Committee on Biosafety of the Philippines (NCBP) ng Department of Science and Technology ang bakuna laban sa ASF na gagamitin sa trial.

“Considering that the AVAC vaccine from Vietnam used a gene-altered virus, did it pass through the NCBP before it was issued a certificate of product registration by our Food and Drug Administration?” sabi ni Montemayor.

#PilipinasToday
#ASF
#Batangas
#WannaFactPH