US President Biden, aatras lang sa kanyang kandidatura kung sasabihin ng Panginoon

Binigyan diin ni US President Joe Biden na aatras lamang siya sa 2024 presidential race kung sasabihin ito sa kanya ng Panginoon.

Sa isang panayam, sinabi ni Biden, natalo niya noon si dating US President Donald Trump at marami siyang nagawa bilang pangulo kung ikukumpara sa ibang naging pangulo ng US.

Kasabay nito, binalewala ni Biden ang mga batikos na hindi naging maganda ang kanyang performance sa unang debate nila ni Trump.

Sinabi niya nagkasaki siya bago ang debate.

Bukod dito, sinabi niya na hindi niya kontrolado ang debate dahil nagsasalita pa rin si Trump kahit nakapatay ang kanyang mikropono.

Idinagdag pa niya na hindi siya sumailalim sa cognitive at neurological exams, subalit araw-araw umano siyang sumasailalim sa full neurological test.