TV Host Cristy Fermin Surprised by News of Sharon Cuneta Leaving Showbiz

Usap-usapan ngayon sa kanilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang mga haka-haka na mamamaalam sa showbiz ang Mega Star na si Sharon Cuneta, matapos ang pagbabahagi niya ng isang social media post.

Ikinalungkot ng maraming fans ng aktres na si Sharon Cuneta ang panibagong post na ibinahagi niya sa kanyang social media account dahil tila namamaalam na siya sa kanyang buhay bilang artista at singer.

Ayon kay Sharon Cuneta labis na hindi niya nai-enjoy ang kanyang buhay ngayon malayo sa magulong mundo ng showbiz industry. Nabanggit rin ni Sharon Cuneta na kung sakali mang tuluyan na niyang iwan ang magulong mundo ng showbiz ay magiging tahimik na ang kanyang buhay at hindi na niya kailangan pang mag-concert.

“I’m very much enjoying my private life… Kapag umalis ako, hindi ko na kailangan ng isang malaking konsiyerto o anumang mga bell at whistles para magpaalam… gagawin ko ito ng tahimik, at babalikan ko ang lahat ng pagmamahal na ibinigay mo sa akin para sa higit pa. apat at kalahating dekada, and I will leave you mine…I am so thankful for all you gave me I love you all very much,” caption ni Sharon Cuneta sa kanyang post.

Dahil sa naging post na ito ni Sharon Cuneta, marami ang naghinala na nalalapit na ang pagreresign ni Sharon Cuneta sa showbiz matapos ang 45 years.

Samantala, naglabas naman ng saloobin ang kilalang showbiz columnist at talent manager na si Cristy Fermin patungkol sa nasabing post ni Sharon Cuneta kung saan inihayag ng aktres ang nalalapit na paghinto niya sa showbiz.

Ayon kay Cristy Fermin, hindi na kataka-taka kung minsan maisipan na ng isang artista lalo na ang mga katulad ni Sharon Cuneta na ilang taon na ring nanatili sa industriya na tumigil na sa pagtatrabaho sa showbiz.

Natural lamang na umano para sa mga artista na mangarap din ng isang pribadong buhay matapos ihayag sa mga tagahanga ang kabuuan ng kanilang buhay.

Gayunpaman, iniisip umano ni Cristy Fermin ang mga tagahanga ni Sharon Cuneta na hanggang ngayon ay sumuspurta pa rin kay Sharon Cuneta matapos ang maraming taon.

Pero, naniniwala rin sina Cristy Fermin na hindi matutuloy ang pagreretire ni Sharon Cuneta sa showbiz dahil ilang beses na rin naman nitong sinasabing titigil na siya sa showbiz subalit hindi naman ito matuloy dahil na rin siguro sa pagmamahal ni Sharon Cuneta sa kanyang craft at mga tagahanga na umaasang masisilayan pa siya sa mga pelikula at mga concert.