Tom Rodriguez, Nakareaksiyon sa Pang-aalipusta sa Kanya ng Mga Netizens

Ang aktor na si Tom Rodriguez ay trending at usap-usapan sa kanyang mga social media platform matapos mag-viral ang kanyang song cover ng kanta ni Bruno Mars na Versace on the Floor sa kanyang TikTok account.

Maraming pumuri at nagbigay ng kanilang opinyon tungkol sa cover ni Tom Rodriguez. May ilan na nang-ookray sa kanyang paraan ng pagkanta.

Sabay sabi nila ay tila si Tom Rodriguez ay mayroong pa pikit-pikit habang kumakanta na tila mickey mouse ang kanyang boses.

Mayroon din nagsasabi na hindi bagay ang kanyang pakulot-kulot look. May nag-iisip naman na baka nakalimutan ni Tom Rodriguez na i-mute o i-private ang kanyang video.

Bagamat i-upload na ni Tom Rodriguez ang video noong Pebrero 2024, ngayon lang ito nag-viral dahil na repost ito sa iba’t ibang social media platforms.

Hindi rin nagtagal at nalaman ni Tom Rodriguez ang mga opinyon ng netizens, kaya nagawa niya ang isang reaction video patungkol sa kanyang Versace on the Floor cover.

Ayon kay Tom Rodriguez, wala namang mali sa kanyang pagkanta at sabi niya ay maganda itong pakinggan. Pinuri rin niya ang kanyang pag-project ng emosyon sa pagkanta at makikita na feel na feel niya ang awit.

Mukhang nararamdaman naman ni Tom Rodriguez ang mga negatibong komento kaya idinaan niya ito sa biro sa kanyang mga video.

Naging sunod-sunod ang mga reaction video ni Tom Rodriguez sa mga naunang reaction videos sa kanyang ginawang cover na kinokomentuhan ng maraming netizens.

Inamin pa ni Tom Rodriguez na totoo na may paka-Mickey Mouse ang kanyang boses pero may kulang pa rin.