The Goddess Returns and Claps Back at Ogie Diaz After Criticizing His Colleague Overload!

Nagbigay na ng reaksyon si Diwata laban sa naging pahayag ni Ogie Diaz hinggil sa lasa ng pagkain na inihahain sa Paresan ni Diwata.

Sa pinakabagong episode ni Ogie Diaz Showbiz Update, inilahad ng kilalang showbiz insider at talent manager ang sinabi ng kanyang mga kaibigang patungkol sa lasa ng pagkain na inihahain sa paresan ni Diwata.

Ayon sa mga kaibigan ni Ogie Diaz, hindi kasundo ng kanilang panlasa ang pares overload ni Diwata.

Nilinaw naman ni Ogie Diaz, hindi naman applicable sa lahat ng panlasa ang sinasabi ng kanyang mga kaibigan. Dahil iba-iba naman umano ang panlasa at preferences ng mga tao sa pagkain.

Pero, maganda na rin umano na makarating kay Diwata ang ibang mga kritisismo patungkol sa kanyang ibinibentang pagkain.

Samantala, sa isang pahayag inilahad ni Diwata ang kanyang komento sa naging kritisismo ni Ogie Diaz patungkol sa kanyang 100 pares overload.

Ayon kay Diwata, wala naman siyang nakikitang problema sa naging komento at kritisismo ni Ogie Diz patungkol sa kanyang mga pares overload.

Ipinaliwanag pa ni Diwata, na sa kanyang opinyon ay hindi na kailangan pang gawing big deal kung mayroong mga tao na hindi nagugustuhan ang mga inihahanda niyang pagkain sa kanyang pares overload business.

Iginiit din ni Diwata na kung ayaw ng mga tao sa kanyang luto ay maari namang maghanap ng mga ito ng ibang pagkain na pasok sa kanilang panlasa at inihahandang pagkain.

Inilahad pa ni Diwata na wala sa mga layunin ang mamili ng mga tao para kumain sa kanyang paresan.

Bagkus ay nagbibigay lamang umano siya ng option sa mga taong gustong sumubok sa ganitong uri ng pagkain.

Hanggang ngayon ay patuloy pa ring pinipili ng maraming tao ang pares business ni Diwata.

Marami ring kilalang mga vlogger ang napi-feature sa pares business ni Diwata dahil napakasulit nito at swak sa budget.