Teejay Marquez asked about Sandro Muhlach, sexual abuse

Dahil hot topic ngayon sa showbiz ang sexual abuse, tinanong si Teejay Marquez tungkol sa karanasan ni Sandro Muhlach.

Sandro Muhlach speaks up about sexual abuse

Who is Sandro Muhlach?

Aniya, “Nagulat ako na may ganun. So, I mean sana, hopefully masolusyunan. Sana kay Sandro, sana maka-cope up siya nang maayos, at alam ko naman na yung family niya, nandiyan sa likod niya to support.

“And yung mga tao, maraming taong nagmamahal sa kanya. So hopefully maka-recover siya dito, and, basta for me sana, I’m looking forward na maging maayos si Sandro.”

Ang diretsong tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Teejay: Siya ba ay hindi nakaranas ng sexual harassment?

“Hindi naman naranasan, ” mabilis niyang sagot. “So thankful naman ako na hindi ko naranasan.

“Bu siyempre may mga indecent proposal, hindi mawawala iyan, mga attempt. Attempt, I mean sa social media, not in person or physical.

“So siguro thankful lang din ako na hindi ko na-experience kasi hindi ko rin sure na kung ma-experience ko siya kung ano ang magiging reaction ko.

“I mean thankful ako.”

Ang kaibahan raw nila kasi ni Sandro, stronger ang support system ng anak ni Niño Muhlach.

I mean, siguro, si Sandro kasi may family na nakasuporta. Ako kasi, laking lola lang ako. I mean I don’t know if ganung suporta din ang makukuha ko if ever nangyari sa akin iyon,” pahayag pa ni Teejay.

“At least he has his family,” dagdag pang sinabi ng 30-year-old actor.

TEEJAY MARQUEZ ON ENTERING POLITICS

Sa pagganap niya bilang teenager version ni Mamay Marcos sa pelikulang Mamay: A Journey to Greatness (The Marcos Mamay Story), pumasok ba sa isip niyang pasukin ang pulitika?

Si Marcos Mamay ay alkalde ng Nunungan sa Lanao del Norte.

Ani Teejay, “Wala pa pong pumapasok na ganyan sa isip ko, pero inspired ako sa mga taong pumapasok sa pulitika para tumulong dahil laki rin sila sa hirap.

“Ako naman siguro, kung dumating sa punto na magkaroon ako ng ekstra, siguro ise-share ko na lang, pero hindi po pumapasok sa isip ko na tatakbo ako.

“Kung sumobra man yung maging resources ko, itutulong ko na lang.

“Hindi ko pa naiisip na pumasok, pero tingnan natin. For me, basta makatulong ako masaya na ako.”

Unang beses na napanood ni Teejay ang pelikula sa special screening nito noong Agosto 27, 2024, sa Cinema 1 ng SM Megamall, kung saan din naganap ang interview na ito.

Teejay Marquez at the premiere night of Mamay
Teejay Marquez at the premiere night of the movie Mamay: A Journey to Greatness (The Marcos Mamay Story)

Photo/s: @teejaymarquez on Instagram

Ano ang naramdaman ng binata matapos mapanood ang pelikula?

Aniya, “Siyempre, nakakatuwa and marami akong natutunan nung napanood ko na yung pelikula. Siyempre, nung una, inasahan ko muna yung acting ko, kung paano ko ginampanan.

“Pero in the end, marami akong natutunan sa buhay ni Mayor, sa mga paghihirap niya, so nakaka-inspire,” bulalas ni Teejay.

“Pero iyon, I mean lahat ginalingan lahat, na na-project nila yung buhay ni Mayor at saka nung ibang mga ginampanan na ibang characters, so masaya ako na napanood ko ito.

“And feeling ko, maraming matututunan yung mga makakapanood nito.”

TEEJAY MARQUEZ’S LEARNINGS FROM THE MOVIE

Ano ang natutunan niya sa pagiging bahagi ng Mamay: A Journey to Greatness (The Marcos Mamay Story)?

“Iyong hirap ng buhay na pinagdaanan ni Mayor, lalung-lalo na yung nagpunta kami sa Lanao na doon ko na-experience, siyempre, nag-shoot kami sa eskuwelahan.

“So totoong galing pa sila sa malayong lugar, lalakarin nila para lang makapasok sa school.

“Dun ko nakita na andami sa atin na ayaw pumasok, andaming spoiled, naglalakwatsa lang, de-kotse, binibigay lahat pero ayaw mag-aral,” pahayag ni Teejay.

Si Mayor Mamay noong estudyante pa lamang, na si Teejay nga ang gumanap, ay naglalakad nang malayo mula sa bahay nila para makapasok sa eskuwelahan. At dahil salat sa buhay ay naka-tsinelas lamang dahil walang pambili ng sapatos.

“Noon wala silang means, walang resources, naka-tsinelas,” bulalas ni Teejay.

“Challenging pero masarap yung experience, mapi-feel mo na minsan kahit simple yung buhay kung may gusto ka talaga, maa-achieve mo.”

Bakit dapat panoorin ng publiko ang pelikula?

“Inspiring yung istorya kasi, like, galing sa hirap, alam naman natin minsan ang hirap makapasok sa society, lalung-lalo na sa government, lalung-lalo na sa ganitong klase kung mahirap ka.

“Pero napakita ni Mayor sa istorya niya, na kahit galing ka sa wala, puwede kang makapasok, puwede kang maging parte.”

Galing sa hirap, na halos walang makain noong bata pa, nagsikap si Mayor Mamay na abutin ang kanyang mga pangarap hanggang sa maging alkade na nga siya sa Nunungan.

Sa pagpapatuloy pa ni Teejay, “So ngayon, isa siya sa pinakaimportanteng taong nakakatulong sa Nunungan, nakita namin yung pagtulong niya at yung pag-unlad ng lugar.

“Kaya kahit kami, naniniwala na he really helps with a heart. Ginawa niya iyon without anything in return so siguro ngayon kung may mga blessing siyang nakukuha, reward niya iyon sa mga good deeds na ginawa niya before.”

Mamay movie poster

TEEJAY MARQUEZ’S HARDSHIPS IN LIFE

Personally, ano na ang pinakamahirap niyang dinanas sa buhay?

“Well for me, pinakamahirap yung feeling ko na hindi pa ako pinapansin kasi hindi pa ako accepted, may mga bagay na nasasabi sa iyo dahil baguhan ka pa.

“Siguro, nilunok ko lahat iyon because sabi ko naman parte lang ito, darating ang panahon may mga tao ring makakakita ng halaga ko, may reward din ito.

“Siguro, in life naman, nahirapan lang ako na mag-aral kasi yung resources ng family ko, yung means, hindi kaya para pag-aralin ako.

“So dumating yung point na pinasok ko yung pagko-commercial para makapag-aral. Buti na lang nag-e-enjoy ako sa pagko-commercial pero na-realize ko, pinagtrabahuhan ko pala.

“So kumayod pala talaga ako para sa pangarap ko.”

Mula sa Mamay Production, nasa pelikula rin sina Jeric Raval as Marcos Mamay, Ara Mina, Victor Neri, Polo Ravales, Julio Diaz, Devon Seron, Ron Angeles, Ali Forbes, Jethro Ramirez, Sheila Delgado, sa panulat at direksyon ni Neal “Buboy” Tan.

Sa premiere, nagbigay ng pahayag tungkol sa pelikula si Mayor Mamay.

Aniya, “This is a very inspiring movie. I want people, especially those who belong to the marginalized sector, to know that there is always hope and opportunities to reach your dreams if you focus all your energies on it,” he said.

“Kailangan din na magsumikap ka para maabot ang anumang pangarap mo. This movie tells that poverty is not a hindrance to succeed in life,” dagdag pa niya.