‘Taylor Lautner of Bataan’ grateful for popularity, hopes to join ‘Batang Quiapo’


Ibinahagi ng Kalokalike Face 2 Finalist na si Christopher Diwata, aka “Taylor Lautner” ng Bataan, na grateful siya sa kanyang natatamasang popularity matapos muling mag-viral sa social media ang kanyang iconic “What haffen, Vella?” line.

Sa isang interview kay Christopher ng ABS-CBN News, sinabi niya na hindi niya inaasahan na muling magreresurface sa social media ang video clip ng kanyang talent portion sa segment na Kalokalike noong taong 2013.

“Nagulat ako dahil sa loob ng isang dekada, hindi ko akalain na mauungkat pa rin po yung pagsali ko sa Showtime. Nagulat ako na may nagtatag sakin na trending na nga raw,” wika niya.

@diwatacristopher04gmail What hafen vella? Why u crying again? I know, init ryts? Astron is fit to me!! @astronappliancesph ♬ original sound – what hafen vella LAKBAY DIWATA – Cristopher Diwata

Pag-amin ni Christopher, impromptu lamang ang kanyang linya sa talent portion ng Kalokalike.

“[Nu’ng] nag-audition po ako [sa] It’s Showtime, wala po talaga kong handa [na talent]. Nung isasalang na po ’ko, naghanap na ko mismo sa internet ng [mga] linyahan ni Jacob. Yung salita po no’n, ’yun nga, parang magulo, ’di ko pa kabisado gaano,” pagbabahagi niya.

“Kung wala yon, wala po ako sa kinakalagyan ko ngayon,” dagdag pa nito.

Matapos muling mag-viral sa social media ang video ni Christopher ay sunod-sunod na ang mga opportunities na dumating sa kanya.

“Sa totoo lang, napakarami ko po talagang utang. Pero nung dumating po yun, marami pong nag-offer sakin. Ngayon, nakakabawas po ko, nakakaahon, at relax na [yung] pag-iisip ko po ngayon,” pahayag niya.

@diwatacristopher04gmail What hafen vella? Why u crying again? I know Mang Inasal ryts? Mang Inasal will feyt to me!! My favorite of all! @manginasalph ♬ original sound – what hafen vella LAKBAY DIWATA – Cristopher Diwata

Sa ngayon ay may mga ilan nang endorsements si Christopher at kinukuha na rin siya ng ilang mga brands.

“Mas lalo akong sinipag. Kumbaga sabi ko, ’I-ga-grab ko na ‘to. Kailangan i-grab ko na to. Kailangan pagsipagan ko.’ Pag merong nag-offer, i-grab na kaagad,” wika niya.

Christopher opens up about his ‘ultimate dream’

Sa naturang interview, nabanggit din ni Christopher ang patungkol sa kanya umanong “ultimate dream.”

“Sa totoo lang, dati gusto ko po talaga maging action star. Kaya kung sakaling magkakaroon po ako ng opportunity na makapasok po sa isang pelikula or TV [show], gusto ko po sanang makasali,” saad niya.

Aniya, nais niya umanong sumali sa Batang Quiapo.

“Gusto ko po maging aktor, maging artista. Kahit sa edad ko na ito, may pangarap pa din po ako,” pahayag nito.

Kaugnay nito, nag-alay naman ng mensahe si Christopher sa kanyang mga taga-suporta.

“Sa mga tumatangkilik po sakin at natutuwa, sana po wag kayong magsawa at sana kung may mga pangarap kayo na tulad ko na ganito, wag mong patayin ang pangarap mo. Kasi sabi nga natin, bilog ang mundo, at iikot at iikot din yan. Malay mo, sa susunod, kayo naman ang nasa ibabaw. Kaya wag po kayo mawawalan ng pag-asa,” mensahe nito.

Source: ‘Taylor Lautner of Bataan’ grateful for popularity, hopes to join ‘Batang Quiapo’