Sumilao farmers, itinaas ang kamay ng ‘Leni-Kiko tandem’ sa campaign rally sa Laguna

Narating na ng Maynila ang mga magsasakang Sumilao na naglakad mula pa sa Bukidnon. Matapos ang 40 araw na paglalakad bilang suporta sa kandidatura ni Bise Presidente Leni Robredo para sa pagka-pangulo. Sila ang mga natulungan noon ni Robredo na mapasakanila ang kanilang ancestral land noong 2007. Ilan rin sa mga magsasaka mula San Nicolas Pampanga ang pumunta sa rally ng Leni-Kiko tandem upang magbigay ng suporta.

Nang makarating sa Kamaynilaan, partikular sa Parañaque City noong Abril 28, nakisama ang Sumilao farmers sa campaign rally ng ‘Kakampink’ sa Laguna noong Abril 29. Matapos nito, dumaan sila sa National Shrine of Our Mother of Perpetual Help sa Baclaran, Parañaque kung saan nila sinalubong ang vice presidential candidate na si Senator Kiko Pangilinan at ang asawang si Megastar Sharon Cuneta.

Sa rally ng ‘Leni-Kiko tandem’ sa Laguna, kasama rin ang Sumilao farmers na nagtaas ng kamay para sa presidential at vice presidential candidates. Ang mga magsasakang Sumilao ay matagal nang sumusuporta kay VP Leni sa kanilang kandidatura.

Nalaman mula sa Philippine Star na noong 2007, sinamahan din sila ni VP Leni sa Malacañang upang makamtan ang kanilang lupa. Pati na rin noong 2016, suportado na nila ang kandidatura ni Robredo bilang bise presidente. Ngayon, muli nila itong sinusuportahan sa kandidatura bilang pangulo sa eleksyon sa Mayo 9.

Si Maria Leonor “Leni” Gerona Robredo ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas at misis ni Jesse Robredo. Nagsilang sila ng tatlong anak na babae. Noong Oktubre 7, inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo sa eleksyon ngayong 2022, kasama si Senator Kiko Pangilinan bilang kanyang bise presidente.

Hindi bago kay Robredo ang mga pang-aatake sa kanya at sa kanyang pamilya. Pero hindi ito hadlang sa kanya para sa kanyang pangarap na maglingkod sa bayan. Kamakailan, ibinahagi niya ang kanyang house-to-house campaign sa Naga kung saan nakatanggap siya ng suporta mula sa mga tao.