Sue Ramirez at Dominic Roque, usap-usapan matapos silang makitang magkasama sa Siargao

– Marami ang nagtatanong kung sina Sure Ramirez at Dominic Roque na ba matapos silang makitang magkasama

– May isa pang lumabas na video na tila nag-kiss pa ang dalawa na umani ng mga komento at reaksiyon

– Ayon pa sa ibang netizens deserve naman nilang maging maligaya lalo at parehas naman silang single

– Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan ang tungkol sa hiwalayang Dominic at Bea Alonzo at napabalita namang hiwalay na rin sina Sue at Javi Benitez

Patuloy na pinag-uusapan ngayon sa social media sina Sue Ramirez at Dominic Roque matapos silang makitang magkasama sa sikat na isla ng Siargao. Marami ang nagtatanong kung may espesyal na namamagitan sa dalawa, lalo na’t may lumabas pang video na tila nagpakita ng masyadong sweet na moment.

Sue Ramirez at Dominic Roque, usap-usapan matapos silang makitang magkasama sa Siargao
Sue Ramirez at Dominic Roque, usap-usapan matapos silang makitang magkasama sa Siargao
Source: Facebook

Ilan sa mga netizens ang nagkomento na deserve nina Sue at Dominic ang maging masaya, lalo na’t parehong single ang mga ito. “Bagay sila, mukhang masaya sila sa isa’t isa,” pahayag ng isang fan, habang may ilan naman na nagsasabing tamang-tama lang na bigyan sila ng pagkakataong lumigaya.

Read also

Mayor Niña Jose-Quiambao sa ‘palit mic’ issue noon: “Maarte ako pero ‘di ako mapangmatang tao”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram – get the most important news directly in your favourite app!

Hindi lingid sa kaalaman ng marami ang balitang hiwalayan nina Dominic Roque at Bea Alonzo, na umingay. Nnapabalita ring naghiwalay na sina Sue Ramirez at Javi Benitez, bagaman kapansin-pansin na parehong hindi nagsalita sina Sue o Javi para kumpirmahin o pabulaanan ang isyung ito.

Samantala, isang detalye ang nakatawag-pansin sa mga netizens: base sa mga Instagram posts nina Dominic at Sue, kapwa sila nasa Siargao nang halos magkasabay. Bagaman walang litratong magkasama sila sa kanilang mga opisyal na posts, marami ang nakapansin sa mga kahalintulad na tanawin sa kanilang mga stories, na nagbunsod ng espekulasyong magkasama nga silang nagbabakasyon.

Sa kabila ng mga haka-haka at spekulasyon, nananatiling tahimik sina Sue at Dominic tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon. Patuloy ang pag-aabang ng kanilang mga fans sa anumang kumpirmasyon o paglilinaw mula sa dalawa.

Read also

Chloe San Jose, sinagot ang netizen na nagsabing nagpa-retoke siya

Si Sue ay naging bahagi ng ilang ABS-CBN shows kagaya ng Mula Sa Puso, Angelito: Batang Ama, Annaliza, All of Me, Pangako Sa’yo, at Dolce Amore.

Naging usap-usapan ang paghihiwalay nila noon ni Joao Constancia. Ibinahagi naman ni Joao ang kanyang saloobin hinggil sa paghihiwalay nila ni Sue.

Emosyonal namang inamin ni Sue ang tungkol sa hiwalayan nila ng Boy Band Ph member na si Joao.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa’yo ➡️ hanapin ang “Recommended for you” block at mag-enjoy!