Sports Analyst, umaasang dodominahin ng Gilas Pilipinas ang Brazil sa Semis ng Fiba Olympics Qualifiers

CAUAYAN CITY- Umaasa ang isang Sports Analyst na magagawang dominahin ng Gilas Pilipinas ang kuponan ng Brazil sa pagsabak sa Semis ng Fiba Olympics Qualifiers para makakuha ng ticket sa Paris Olympics 2024.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Sports Analyst Ian Dalog na kailangan na masecure ng Pilipinas ang laro ngayong araw para makakuha ng spot.

Aniya kilala ang kuponan ng Brazil dahil sa mga dekalibreng manlalaro kaya naman hindi magiging madali ang pagdadaanan ng Gilas.

Matatandaan na nabigo ang Gilas Pilipinas sa Georgia sa score na 96-94 sa FIBA Olympic Qualifying Tournaments.

Kahit na natalo ang Gilas ay pasok pa rin sila sa semifinals sa laro na ginanap sa Riga, Latvia.