Software engineer Joshua Kim turns homesickness into music

Surreal para sa indie artist na si Joshua Kim ang pagkalunsad ng kanyang debut extended play album na Alone in Melbourne noong Mayo.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joshua sa Highgrounds Cafè sa Tomas Morato, Quezon City noong August 20, 2024.

“First EP ko po. Pero gumagawa na ako ng singles ko dati pa. I have four or five singles na before. Nasa Spotify siya,” bungad ni Joshua.

“Actually, nagsusulat ako about mga internal struggles, introspection. Usually, very personal messages.

“Actually, wala akong masyadong songs na love songs.”

Nagsimula si Joshua sa pagkanta ng cover songs ng sikat na local at foreign artists.

Kuwento niya: “I’m an independent YouTuber mga 2012, 2013. Back then, nagpa-piano lang ako. Tapos, the next year gumagawa ako ng mga covers–mga Maroon 5, Bastille, old bands, Matchbox 20.

“Nung pandemic maraming nagko-cover. So, gumawa kami ng cover ng “Languyin” by Autotellic and “Pagtingin” by Ben & Ben with my friends. Tapos medyo naging viral siya.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasama ko yung friends ko diyan na si Dezanddel, isa siyang artist. Tapos may isa pang artist-friend ko.”

Hanggang sa sumulat daw si Joshua ng anim na original songs na nagamit niya sa kanyang short album.

Nakatulong sa kanya ang hilig niyang tumugtog ng gitara at mag-piano.

Ang “Alone in Melbourne” ang carrier single, na siya ring title ng kanyang EP.

Paglalarawan ni Joshua sa inspirasyon ng kanyang album, “They’re all about different internal struggles, different self-realizations,” pahayag ni Joshua.

“‘Alone in Melbourne’ is about homesickness. Tumira ako sa Melbourne for a month lang, for work.”

Joshua Kim on EP Alone in Melbourne
Joshua Kim

Photo/s: @joshuakimmusic Instagram

JOSHUA KIM inspired by MELBOURNE experience

Isang software engineer si Joshua sa isang start-up company na base sa Melbourne, Australia. Naka-remote work siya dito sa Pilipinas.

Nagtapos siya bilang Summa Cum Laude sa University of the Philippines sa kursong Bachelor in Computer Science noong 2022.

Minsan gumagawa kami ng search engine, AI (artificial intelligence) work. Minsan pumupunta ako sa Australia. Once or twice a year.

“For the past two years, nagwo-work na ako. Sideline ko po ang pagkanta,” napangiting sabi ni Joshua.

Nagawa ni Joshua ang Alone in Melbourne noong una siyang nagpunta sa Australia.

“Feel ko dati gusto ko mag-abroad, foreign company, ganoon.

“Pero pagdating ko doon, doon ko na-realize na na-miss ko ang mga friends ko. Na-miss ko ang family ko.

“Sobrang clingy ko pala. Homesick, ayun.”

Ang karanasan niya sa Melbourne ang naging inspirasyon niya sa kanyang EP, na handog niya para sa mga Pinoy na nasa ibang bansa.

“E, di ba, ang daming OFWs na ganoon din? Mga Filipinos very close tayo pero kailangang pumunta sa ibang country para magtrabaho.

“Kahit wala ka sa Melbourne, kahit nasa Abu Dhabi ka [makaka-relate ka]. May mga friends ako sa Singapore, sa New York.

“Yung sa akin one month lang ako sa Melbourne. Alam ko may ibang tao na mas mahirap yung experience nila.”

MORE ABOUT JOSHUA KIM

Samantala, ikinuwento rin ni Joshua ang ilan pang trivia sa kanyang pinagmulan.

Ang buong pangalan ni Joshua ay Joshua Kyle Sun-Myung Chio Kim.

Kuwento niya, ang lolo niya ay tubong Seoul, South Korea at dito sa Pilipinas nakilala ng lolo niya ang kanyang lola.

“So, I’m one-fourth Korean. Hindi talaga ako nakatira sa Korea.

“Actually, I was born near Chicago, in America. Kaya ano, they call me United Nations sometimes. Ang dami ng bansa connected to me.”

Bakit sa America siya ipinanganak?

Sagot ni Joshua, “My mom and my dad kasi are both programmers. Dito sila nag-aral sa UP Pero sa US sila nagtrabaho.

“Tapos, bumalik sila dito. Kasi gusto ng tatay ko mas malapit ako sa pamilya. Siyempre, importante ang pamilya sa amin. Close ako sa relatives namin dito.”

May isang kapatid na lalaki si Joshua, na ayon sa singer ay naging bahagi sa paggawa ng isa sa kanyang mga kanta.

“And, magkamukha kami. Four years ang age gap namin,” dagdag niya.

U.S. citizen si Joshua dahil sa Amerika siya ipinanganak.

Anong ginagamit niyang passport?

“Yung Filipino naman. I’m a dual citizen po,” sagot niya.

“Pero depende. Kung pumupunta ako sa Amerika, gagamitin ko yung US passport ko.

“Parang sobrang unique yung situation ko-Korean, Chinese, tapos Filipino.”

Ang ina raw ni Joshua ang may dugong Chinese.

Pero kahit “medyo complicated” ang kanyang lahi, Pilipino ang turing ni Joshua sa sarili.

Aniya, “Kasi, dito ako nag-aral nung bata ako. Sa Philippine Science po. Tapos UP Diliman.

“So, feel ko talaga Pilipino ako. Yung mga kaibigan ko, yung pamilya ko, Pilipino

“Pero nararamdaman ko yung pagiging American ko, pagka-Korean ko. Pero Pinoy talaga ako.”

JOSHUA KIM SONGS

Isa-isa ring ibinahagi ni Kim ang inspirasyon sa kanyang mga kanta sa Alone in Melbourne, kabilang ang “Tempo,” “Pockets,” “Breeze” at “Silence Footsteps.”

“Yung ‘Tempo’ is about mixed signals. Parang, uso ngayon sa mga Gen-Z, situationship,ganoon. Yung parang kayo, pero hindi kayo, alam mo yun? Complicated.

“Alam ko maraming listeners ngayon na baka complicated din ang relationships nila.

“So, parang you let the other person take the lead. Tapos sumusunod ka lang, parang ganoon. Go with the flow.”

Mayroon din siyang mga kanta tungkol sa hirap makaramdam ng kasiyahan.

“Second song is ‘Pockets.’ Ang ‘Pockets’ naman minsan naisip ko I’m hard on myself kahit na may mga achievements ako, kahit may ma-achieve ako parang hindi pa rin sapat para sa akin. Hindi ako masaya.

“And ‘Pockets’ is a song about letting yourself be happy kahit parang minsan mo lang maranasan yung happy moments na yun.

“Third song, hindi ito in order, ha, is ‘Breeze.’ Ang ‘Breeze’ naman is feeling burnt-out or tired minsan sa mga school requirements or sa trababo. Minsan nabe-burnout ka. Ayaw mo nang mag-trabaho. Just take a breath. Feel the breeze on your face na rin.”

Ang isa pang kantang inilarawan ni Joshua ay may kinalaman pa rin sa internal struggles.

“And then there’s the song ‘Silence Footsteps.’ This song naman is about parang feeling small.

“I don’t know if you felt it. Parang some people, larger than life sila. There’s so many things happening in the world. Tapos ikaw parang maliit ka lang.

“And minsan na-feel mo na hindi naririnig ang boses mo. And if you ever feel that way, you feel lost.

“And you know, you won’t be lost forever and just know na may mga tao na magsu-suport sa yo.