Sofia Andres, may matapang na pahayag: “I don’t tolerate thieves in my life”

– Nag-post si Sofia Andres sa Threads ng matapang na pahayag tungkol sa mga taong hindi niya tinatanggap sa kanyang buhay

– Binanggit niyang hindi niya tinotolerate ang mga “thieves, toxicity, at negative people”

– Matatandaang kamakailan ay usap-usapan ang pag-anunsyo nya sa kanyang desisyon na tapusin ang ugnayan sa stylist niyang si Ms. Steph Aparici

– Hinikayat niya ang mga brands na direktang makipag-ugnayan sa kanya matapos ang kanilang paghihiwalay ng stylist

Naging usap-usapan kamakailan ang matapang na pahayag ni Sofia Andres matapos niyang mag-post sa Threads. Bagaman hindi siya nagbanggit ng pangalan, kapansin-pansin ang matindi niyang saloobin tungkol sa mga taong hindi niya nais na makasama sa kanyang buhay. Ayon sa aktres, “Remember blood is thicker than water & I don’t tolerate thieves in my life.” Dagdag pa niya, “If you welcome thieves, toxicity & negative people. Life won’t be easy. 🤍”

Read also

Yasmien Kurdi, sinugod sa ER: “Naka-steroids ako ngayon”

Sofia Andres, may matapang na pahayag: "I don’t tolerate thieves in my life"
Sofia Andres, may matapang na pahayag: “I don’t tolerate thieves in my life” (@iamsofiaandres | Instagram)
Source: Instagram

Matatandaang nitong nakaraang linggo ay naging sentro ng atensyon si Sofia nang magbahagi siya ng update. Sa isa pang post, inanunsyo niya ang kanyang desisyon na tapusin ang kanyang ugnayan sa stylist na si Ms. Steph Aparici, na itinuturing din daw niyang parang pamilya.

Sofia Andres, may matapang na pahayag: "I don’t tolerate thieves in my life"
Sofia Andres, may matapang na pahayag: “I don’t tolerate thieves in my life” (@iamsofiaandres | Threads)
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“After much consideration, I’ve decided to part ways with my current stylist that I also treated as my family—Ms. Steph Aparici. It was a hard decision but I’m excited to explore new opportunities and styles moving forward,” ani Sofia.

Aminado si Sofia na hindi naging madali ang kanyang desisyon, ngunit binigyang-diin niya na isa itong mahalagang aral para maging maingat, lalo na sa mga aspeto ng negosyo.

Nagpaalala rin siya na magtiwala sa sariling instincts pagdating sa mga ganitong sitwasyon. Hinikayat din niya ang mga brand na nagpadala ng mga produkto sa pamamagitan ng kanyang dating stylist na makipag-ugnayan na lamang sa kanya direkta.

Read also

Maiqui Pineda, nag-react komento ng netizen sa post ni Robi na gusto na nito magkaanak

Ang mga naturang pahayag ni Sofia ay umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens.

Si Sofia Andres ay isang aktres at commercial model. Nakilala siya sa kanyang pagganap sa mga palabas kagaya ng She’s Dating the Gangster, Relaks, It’s Just Pag-Ibig, Forevermore, Pusong Ligaw at Bagani.

Sa pagdiriwang ng ika-3 kaarawan ng anak nina Sofia at Daniel na si Zoe ng Nobyembre at isang birthday party ang kanilang inihanda. Ginanap nila ang party sa Palazzo Verde. Binahagi ni Sofia sa kanyang Instagram post ang pictures na kuha sa dinaos nilang pagdiriwang. Marami sa mga netizens ang natuwa sa binahaging mga pictures ni Sophia.

Matapos mag-post ni Daniel Miranda ng picture nila ng anak na si Zoe Miranda kalakip ng kanyang pagbati, marami ang nagkomento at nagtanong kung bakit hindi nila kasama si Sofia. Kasunod nito ay nag-post din si Sofia ng Christmas photo nilang dalawa ni Zoe at hindi din nila kasama si Daniel. Dahil dito ay lalong naging maugong ang espikulasyong may pinagdadaanan ang kanilang pagsasama. Wala pang nilalabas na pahayag ang magkabilang kampo upang kumpirmahin o pabulaanan ang mga lumalabas na intriga.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa’yo ➡️ hanapin ang “Recommended for you” block at mag-enjoy!