Sofia Andres draws flak amid post about PA “who can read my mind”

Nangangailangan ngayon ng personal assistant (PA) ang aktres na si Sofia Andres.

Pero hindi raw basta-basta ang hinanap niyang katangian ng magiging PA.

Dapat raw ay may kakayahang magbasa ng kanyang iniisip, mabilis maglinis ng kanyang kalat, at laging nagpapaalala sa kanya kung saan niya nailagay ang kape at schedule.

Dagdag pa rito, dapat daw sampung beses na nauuna ang pag-iisip nito sa kanya.

Dapat din daw ay “stylishly sharp” at “allergic to ‘I forgot.'”

Kung sa tingin mo ikaw ang hinahanap niya, magpadala lamang daw ng inyong resume sa kanyang e-mail.

Buong post ni Sofia sa kanyang Instagram Story ngayong hapon ng Martes, May 20, 2025: “Now hiring a Personal Assistant who can read my mind, organize my chaos, and remind me where I left my coffee (and my schedule).

“Must be 10 steps ahead, stylishly sharp, and allergic to ‘I forgot.’ Think that’s you?

“Slide into the inbox—applications open, excuses closed. Email me thesofiaandres@gmail.com

Sofia Andres announcement

NETIZENS REACT TO SOFIA ANDRES’S POST

Sa social media site na Reddit.com, kaagad na ginawang pulutan ang post ni Sofia.

Sabi ng isa, “1st qualification niya for a PA, who can read my mind parang papunta na Rudy Baldwin ang kailangan niya.”

Si Rudy Baldwin ay isang kontrobersiyal na personalidad na nagpakilalang psychic.

Netizens on Sofia Andres

Suhestiyon ng isang netizen, bukod kay Rudy, kabilang din daw sa final candidates sina Master Hanz Cua, isang feng shui expert, at ang manghuhulang si Jay Costura.

Netizens on Sofia Andres

May ibang bumatikos pa kay Sofia.

Saad ng isang netizen, “I think that’s why she remains as a ‘starlet’ dahil sa mga gan’tong qualifications niya hahahah.”

Kinontra naman siya ng isa pang netizen.

Hirit ng commenter, “Parang hindi na nga siya pasok sa starlet kasi we rarely see her on screen.

“Ano bang tawag sa trying hard na alta? Kasi parang dun siya sa category na yun. Hahahah!”

Netizens on Sofia Andres

SOFIA ANDRES: “Walay sense of humor.. chill ra!”

Biro nga lang ba ang post ni Sofia?

Matapos kasi ang ilang sandaling pagiging viral ng post ng aktres, muli itong nag-post sa kanyang Instagram Story.

Ayon kay Sofia, “Makalagot uy! Walay sense of humor.. chill ra! [Nakakainis uy! Walang sense of humor… Chill lang dapat!]”

Sofia Andres chill post

Nakarating din agad ito sa netizens.

Paglilinaw ng isang commenter, “You guys, it’s a joke daw.”

Netizen on Sofia's post

Pero may mga sumagot naman sa naunang panawagan ni Sofia.

Makalipas lang ang ilang sandali, ipinost ni Sofia ang screenshot ng kanyang inbox kunsaan merong mga nagpadala ng PDF files ng kanilang mga resume.

Caption ni Sofia kalakip ng laughing emojis: “Okay na to.”

Sofia shares pdf file

Source: Sofia Andres draws flak amid post about PA “who can read my mind”