Sofia Andres cracks up reading letters of PA applicants

Aliw na aliw si Sofia Andres sa pagbabasa ng application letter ng ilang nag-a-apply maging personal assistant niya.

Naging viral ang paghahanap ni Sofia ng bagong PA dahil sa kakaibang requirements na hinahanap niya sa mga aplikante.

Dapat daw ay may kakayahan itong magbasa ng kanyang iniisip, mabilis maglinis ng kanyang kalat, at laging nagpapaalala ng kanyang schedule kung saan niya nailagay ang kape.

Dagdag pa rito, dapat daw ay “10 steps ahead” ang pag-iisip nito sa kanya.

Dapat din daw ay “stylishly sharp” at “allergic to ‘I forgot'” ang mag-a-apply.

Ilang netizens naman ang nag-suggest na ang mga katangiang hinahanap daw ni Sofia ay nasa sikat na psychic na si Rudy Baldwin.

Post ng isa: “Netizens suggest Rudy Baldwin to apply as personal assistant for Sofia Andres, as she is looking for someone who can read her mind: ‘C Baldwin ang dapat niyang e-hire. Hndi lang isip niya ang kayang e-predict, kundi ang buong Pilipinas. Charottttttt'”

Sabi naman sa isa pang post: “Netizens Say Rudy Baldwin Is the Perfect PA for Sofia Andres: ‘Kaya I-predict Buong Pilipinas'”

Ni-repost ni Sofia ang mga komentong ito ng netizen sa kanyang Instagram Story nitong Martes, May 20, 2025.

Natatawang caption niya, “Oh mannn!”

Sofia Andres Instagram Story

SOFIA ANDRES SCREENSHOTS BIOGRAPHY OF APPLICANTS

Ibinahagi rin ni Sofia ang screenshots ng mga natanggap niyang application letters.

Nakalagay sa subject ng isang aplikante: “Your PA ProMax (10x Advance)”

Sabi nito sa kanyang sulat, “Hi Sofia, I hope you’re doing well.

“Please find my resume attached for your consideration. Thank you for your time, and I look forward to hearing from you.”

Reaksiyon ni Sofia: “Send help [laughing emojis]”

Sofia Andres Instagram Story

Sabi ng isa pang aplikante: “Your PA/ka chismisan (pina-plano mo pa Ing nagawa ko na)”

Komento ni Sofia: “I think pasok ka na sa next round! [laughing in tears emojis]”

Sofia Andres Instagram Story

Ayon naman sa isa, graduating student siya sa Negros Oriental State University (NORSU) sa Dumaguete kaya hindi na raw dapat alalahanin ni Sofia ang kanyang kaligtasan.

Nakasaad sa sulat ng netizen: “Your ultra mega supreme PA+++++

“I have attached my resume, Dear Sofia. I am a graduating Criminology student from the most competitive and prestigious school in Dumaguete City- – NORSU Dumaguete. I have a subject about safe spaces act law, therefore you do not have to worry about your safety. Ciao and see yuh vella. HAHA.”

Komento ni Sofia: “I can’t! Sakit sa tiyan…”

Sofia Andres Instagram Story

Ang pinakahuling aplikante ay mukhang pasok na pasok sa qualifications ni Sofia.

Kung “10 steps ahead” mag-isip ang hinahanap ni Sofia, kaya raw niyang mag-“20 steps ahead.”

Kung ang kailangang ni Sofia ay nababasa ang kanyang isipan, wala rin daw problema dahil “may third eye” ang aplikante.

Sabi ng applicant: “ako na lang pls

“mabilis po ako maglakad, keri ko kahit 20 steps ahead.

“mind reading? easy. hindi problema yan, may third eye ako HAHAHAH emz

Sabi lang ni Sofi: “Amay!!!”

Sofia Andres Instagram Story

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nililinaw ni Sofia kung biro o seryoso ang paghahanap niya ng personal assistant.

Source: Sofia Andres cracks up reading letters of PA applicants