Social media personality, hinatulan ng 2 consecutive life sentence sa pagpatay sa kanyang Fil-Am na asawa
Hinatulan ng dalawang pagkakakulong ng habang buhay na walang posibilidad ng parole, at karagdagan na 50 taon ang isang social media personality na binaril at napatay ang kanyang Filipino American na asawa at isang lalaki sa loong apartment sa East Village sa San Diego, California.
Si Ali Abulaban, 32, na kilala sa online circles bilang content creator na may pangalan na “JinnKId”, ay hinatulan noong Mayo ng 2 two counts of first-degree murder sa pagbaril-patay kay Ana Abulaban, 28, at Rayburn Cardenas Barron, 29 noong October 21, 2022.
Binaril ang dalawa sa isang sofa sa 35th-floor unit ng Spire San Diego apartments.
Sa panahon ng paglilitis na tumagal ng halos isang buwan at kabilang ang tatlong araw na testimonya mula kay Abulaban, ipinunto ni Deputy District Attorney Taren Brast na nagalit si Abulaban dahil sa iiwan umano siya ng kanyang asawa at plinano na papatayin niya ito at sinomang lalaki na kanyang makakasama.
Nagbigay ang defense attorney ni Ali Abulaban na si Jodi Green ng voluntary manslaughter conviction at sinabi na matapos ang ilang buwan na naghinala siya sa kanyang asawa na may kalaguyo, nangibabaw ang kanyang poot nang makita ang kanyang asawa sa sofa na may kasamang ibang lalaki.
Dito umano pinagbabaril ni Abulaban ang dalawa.
Kasama rin sa kaso ng depensa ang argumento na nakaranas si Abulaban ng undiagnosed mental health issues, addiction sa cocaine, at lumaki umano siya sa mapang-abuso na pamilya.
Ayon sa depensa ang mga nasabing karanasan ni Abulaban ay nagkaroon ng papel kung paano niya patakbuhin ang kanyang relasyon bilang isang adult at sa kanyang pagtugon sa kanyang emosyon na nagresulta ng pagkasira ng kanyang kasal.