Sir Wil sa ‘di pagpapatuloy ni Madam Inutz sa PBB: “Kinomply ko lang at pinabalik ko siya”

Sir Wil sa ‘di pagpapatuloy ni Madam Inutz sa PBB: “Kinomply ko lang at pinabalik ko siya”.

Naglabas ng pahayag ang manager ni Madam Inutz na si Wilbert Tolentino kaugnay sa hindi na pagpapatuloy pa ng kanyang alaga sa grand finals ng Pinoy Big Brother Kumunity season 10.

Matatandaang kamakailan, isa si Madam Inutz sa wild card entry kasama si Brenda Mage mula sa celebrity edition.

Ayon kay Wilbert, nag-comply lamang umano siya bilang professional manager kaya’t pinahintulutan niyang mag-appearance muli si Madam Inutz sa nasabing programa.

Subalit tila may hugot si ‘Sir Wil’ kung bakit hindi na niya hahayaan pang makarating ng grand finals ang kanyang alaga.

“Malungkot ko sasabihin na hindi ko siya ilalaban sa PBB BIGA10 GRAND FINALS. Dahil may mga rason at sapat na dahilan ako kaya nagpost ako ng Anunsyo na hindi ko na siya ilalaban etong Grand Finals,” sabi ni Wilbert.

Mayroon din itong nasabi patungkol umano sa kayang gawin ng isang network sa artista.

“Ang isang NETWORK kaya nila pasikatin at i-build ang isang ARTIST, pero tatandaan nyo rin may capacidad din sila PABAGSAKIN at tapucin din ang karir ng isang ARTIST kung hindi na nila pakikinabangan,” dagdag pa niya.

Gayunpaman, labis pa rin ang pasasalamat niya sa Star Magic at sa lahat ng mga sumusuporta kay Madam Inutz mula nang pasukin niya ang mundo ng showbiz.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz ay nakilala sa kanyang kakaiba at nakakaaliw na live-selling kung saan tahasan niyang minumura ang kanyang mga viewers. Hindi raw kasi nagma-mine ang mga ito at tumatambay lang sa kanyang live selling. Sa kabila nito tumatabo ng mahigit 150,000 ang mga viewers niya kaya naman mabilis siyang nakilala online.

Dahil dito, nakilala at minahal siya ng publiko lalo na nang malaman nila ang kwento kanyang pagsisikap.

Naging bahagi siya ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 celebrity edition kung saan pasok siya sa Final 5.

Nang makalabas sa bahay ni Kuya, agad niyang hinarap ang mga proyektong inihanda sa kanya ng manager na si Wilbert Tolentino.

Kabi-kabilang mga guestings at interviews ang kanyang pinaunlakan at patuloy pa rin ang kanyang pagiging online raketera dahil sa mga bagong produkto na kanilang nai-launch kamakailan.