Sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista, noong Agosto 28, sa mga mamba

Sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista, noong Agosto 28, sa mga mambabatas na mahihirapan ang Department of Transportation (DOTr) na ituloy ang mga proyektong inalis sa 2025 National Expenditure Program (NEP), gaya ng upgrade ng LRT-1 at LRT-2.

Humingi ang DOTr ng budget na ₱19.65 bilyon at ₱9.65 bilyon para sa rehabilitasyon ng LRT-1 at LRT-2, ngunit inalis ang mga panukala sa NEP na isinumite sa Kongreso.

Bukod dito, ang LRT-2, na pinamamahalaan ng LRTA, ay nagsisilbi ng average na 149,331 pasahero kada araw.
Bagama’t ito ang “least busy” sa mga linya ng tren sa Metro Manila, ang LRT-2 ay nangangailangan ng pagpapalawak at pag-upgrade, dahil ang pag-usad nito—ang agwat sa pagitan ng pagdating ng mga tren—ay nasa 10 minuto sa kasalukuyan.

Gayundin, nabigo ang DOTr na makakuha ng approval para sa hiling nitong ₱18.8 bilyon para sa pagtatayo ng Metro Rail Transit Line 4, na may distansiyang 12.7 kilometro mula Quezon City hanggang Rizal, na popondohan din ng Asian Development Bank at Asian Infrastructure Investment Bank.

#PilipinasToday
#LRT