Sheryn Regis no plans of getting married yet to lesbian partner

Masaya raw ang relasyon ni Sheryn Regis sa kanyang lesbian partner na si Mel de Guia ngayong magtatatlong taon na silang nagsasama.

Sabi ng singer, “I’m with my partner Mel. So, sa family ko naman, they’re very okay.

“We’re all okay. So, walang problema.”

May bashing pa ba silang natatanggap ngayon?

Pagpapakatotoo ni Sheryn, “Oh, every aspect, when you’re in show business, hindi po mawawala yung bashing.

“So, parang partner na lang ng buhay din.”

Paano nila hinaharap yung ganitong aspeto ng buhay?

Sagot niya, “As usual. Parang hinaharap ko rin as a common person, kung paano mo hinaharap, hinaharap ko.

“So it doesn’t matter kasi happy naman po ako.

“Tsaka wala akong inaano sa pamilya because we’re very, very open.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sheryn sa premiere ng pelikulang Mamay: A Journey to Greatness, The Marcos Mamay Story, na ginanap sa SM Megamall Cinema 1, Martes ng gabi, Agosto 27, 2024.

Sheryn Regis with partner Mel de Guia and Mayor Mamay Marcos

(Sheryn Regis with partner Mel de Guia and Mayor Mamay Marcos)

Hindi kasama si Sheryn sa pelikula pero naroroon siya upang suportahan ang kaibigan niyang si Mayor Marcos Mamay ng Nunungan, Lanao del Norte.

SHERYN REGIS NO PLANS YET OF GETTING MARRIED

Sa September 12, 2024, ipagdiriwang nina Sheryn at Mel ang kanilang ikatatlong anibersaryo bilang couple.

Wala ba silang balak iangat ang kanilang relasyon at magpakasal?

Sagot ng singer, “Wala pa po kaming balak sa ganyan.

“Kasi parang ano pa, e, basta nasagot na dati ng partner ko yan, na parang wala munang balak.”

O kaya ay mag-adopt ng isang baby?

May anak na babae si Sheryn sa dating mister nitong si Earl Echiverri.

Saad niya, “Di ko pa alam.

“Since may baby naman ako before, okay na po.

“Actually, yung baby ko 21 years old na. Hindi na talaga siya baby.”

Tanggap naman daw nito ang relasyon nila ni Mel.

Pagmamalaki niya, “Oh yes, oh yes.

“So, every time na magbabakasyon kami, meron talagang, magba-bonding talaga.

“May time talagang bonding for family sa U.S.”

Ano ang tawag ng anak ni Sheryn kay Mel?

Natatawang sagot niya, “Ate Mel.”

Alam ng anak ni Sheryn na mag-partner sila ni Mel.

Aniya, “Of course, of course.

“She’s 21 years old and she grew up in the U.S.A. And she’s very, very open to that relationship.

“As long as napag-usapan namin ng former husband ko, we’re good.

“Parang tanggap niya kung ano ako, tanggap namin kung ano kami sa relationship.

“Wala, parang… parang kumbaga, ano na, parang talaga siyang tatay din, e.”

Sa ngayon, magiging abala muna si Sheryn sa ASAP Natin ‘To at mga concert.