Sharon Cuneta Gets Candid in Social Media Quotes!

Napansin ng maraming netizens na tila hindi na umano nagrereak at nagkokomento ang mag-inang sina Sharon Cuneta at KC Concepcion sa mga post ng bawat isa sa social media. Hindi na rin umano sila nagpopost sa social media patungkol sa kanilang dalawa.

Napansin rin ng mga netizens ang pagbabahagi ni Sharon Cuneta ng mga quotes sa social media na hinala ng maraming netizens na may mas malalim pang dahilan.

Narito ang quotes na ibinahagi kamakailan ni Sharon Cuneta, “If it feels off, it is. If you feel out of place, you are, It it feels wrong, dont do it. If your body says no to someone, a situation o isang lugar- umalis kaagad.
“Ang iyong katawan ang unang nakakaalam. Ang iyong isip ang huling tumanggap. Magtiwala sa iyong gut feeling – deep down alam mo na.”

Sinundan naman ito ng isa pang quote ni Sharon Cuneta patungkol sa **freedom**.

“There is so much freedom in taking nothing personal. May ayaw sayo? Okay. May nanghuhusga sayo? So ano? May ayaw nang maging parte ng buhay mo? Bye bye. Masyadong maraming oras ang ginugol sa pag-aalala. tungkol sa kung ano ang iniisip ng iba tungkol sa amin, kung sa katotohanan IKAW ang lumikha ng iyong sariling buhay.”

Marami naman sa mga netizens ang naniniwala na may kinalaman ang mga quotes na ito ni Sharon Cuneta sa kanyang anak na si KC Concepcion.

Muling naging usap-usapan sa social media na muli na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan nina Sharon Cuneta at KC Concepcion kaya naman tila ipinaparating na lamang ni Sharon ang kanyang mensahe para sa anak sa pamamagitan ng mga quotes.

Muling naging laman ng mga usap-usapan ang hindi pagkakasundo ng dalawa ng mapansin ng marami ang pakiramdam ni Sharon Cuneta sa kaarawan ng kanyang anak na si KC Concepcion.