Serena Dalrymple, ibinahaging nakilala ang kanyang fiancé sa isang dating app

Sa kanyang pinakabagong post, nagbalik-tanaw ang dating child star na si Serena Dalrymple. Aniya, apat na taon na ang nakakalipas nang maka-match niya sa isang dating app ang kanyang fiancé. Naibahagi niya rin na nakatakda na silang ikasal ng kanyang fiancé ngayong taon. Bumuhos naman ang pagbati para sa dating aktres na hanggang sa kasalukuyan ay marami pa rin ang tagahangang sumusubaybay.

Ibinahagi ng dating child star na si Serena Dalrymple na nakilala ang kanyang fiancé sa isang dating app apat na taon na ang nakakalipas. Naibahagi niya rin na nakatakda na silang ikasal ng kanyang fiancé ngayong taon.

Maging ng kanyang kasamahan sa ilang pelikula at serye na si Carlo Aquino ay nag-comment sa kanyang post kung saan muli nitong binanggit ang dating app. Sagot naman ni Serena, “@jose_liwanag online dating app success story.”

Bumuhos naman ang pagbati para sa dating aktres na hanggang sa kasalukuyan ay marami pa rin ang tagahangang sumusubaybay. Marami sa kanila ang tila hindi makapaniwala na mag-aasawa na ang kinagisnang child star:

“Makes me feel old that you are ‘marrying age'”

“Grabe parang na-iimagine ko pa yung fastfood commercial mo. Ang bilis talaga ng panahon.”

Meron din namang naaliw sa online dating app success story ni Serena:

“Currently on bumble but showing sooo many trash dudes hahaha but ill keep trying thanks for sharing ur success story!”

“Okay lez gow bumble, lets make another success story”

Si Serena Gail Dalrymple ay isang Filipino-American actress na tumigil sa pag-aartista mula noong taong 2004. Naging bahagi pa rin siya ng pelikulang Ang Tanging Ina Ninyong Lahat noong 2008 at Ang Tanging Ina Mo noong 2010.

Sa kanyang pamamalagi sa ibang bansa, marami pa rin sa kanyang mga tagahanga ang nakasubaybay sa kanya sa pamamagitan ng kanyang social media account. Taong 2020 nang ibahagi ni Serena ang isang picture niya noong isa siya sa mga child star sa showbiz. Ito ay sa kanyang pagdiriwang ng kanyang ika-30 na kaarawan.

Nauna niya na ring naibahgi ang pictures nila ng kanyang kasalukuyang karelasyon.