Seaman patay nang sumalpok ang motorsiklo sa nakaparadang van

Nasawi ang isang seaman matapos sumalpok ang kanyang sinasakyang motorsiklo sa isang van sa Brgy.Cabbo, Peñablanca,Cagayan.

Kinilala ni PCAPT. Lief Bernard Guya, deputy chief of police ng PNP Peñablanca ang biktima, na si Alyas Mike at residente sa Brgy.Cabasan, Peñablanca.

Lumalabas sa imbestigasyon na galing ang biktima sa kanyang kaibigan at pauwi na sana ito sa kanilang tahanan nang hindi nito natantya ang pababa at pakurbadang daanan dahilan upang masalpok nito ang nakaparadang van.

Dahil dito ay bumagsak ang biktima sa sementadong bahagi ng kalsada at nagtamo ng malubhang pinsala sa kanyang ulo na dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.

Naidala pa sa ospital si Mike ngunit idineklarang patay na ng umasikasong doctor.