SB19 Pablo surprised by offer to join The Voice Kids as coach

Nagulat daw si John Paulo Nase, mas kilala bilang si Pablo ng SB19, nang inalok sa kanyang maging coach ng The Voice Kids.

Nasa show na raw kasi ang kapwa niya SB19 member na si Stell Ajero.

Kuwento ni Pablo: “Noong first time ko po marinig na na ino-offer to sa akin, yung pagiging coach sa The Voice Kids, nagulat po talaga ako kasi hindi ko siya ini-expect, kasi nandito na si Stell.

“Pero for me, parang sobrang interested din po sa kanya. Kasi nasa point in life ako na gusto ko talagang ibahagi yung knowledge na natutunan ko, especially sa pagpi-perform, with these guys, for almost, like, seven years na ata po.

“And mahilig din po ako mag-produce so it felt like right opportunity po siya for me.

“Kaya talagang noong sinabi sa akin na, ‘Gusto mo bang maging coach sa The Voice Kids?

“Parang pinag-isipan ko lang saglit.

“Pero sabi ko, e, grab ko na to kasi ito din yung opportunity na maipakita ko kung ano yung maibahagi ko, kung ano yung natutunan ko for the past years.”

Ano ang mga naging adjustment niya bilang siya ang pinakabagong pasok na coach, na kinabinilangan ng The Voice Generations coaches na sina Billy Crawford, Julie Anne San Jose, at Stell?

Si Dingdong Dantes ang host ng show.

Paano naman ang pakikutungo nila ni Stell sa isa’t isa ngayong magkalaban na sila bilang coach?

Saad ni Pablo: “Hindi po, unang pasok ko pala, parang matagal na kayong magkakilala. Lalo na kasi dito po talaga sa team ng coaches, parang, ewan ko, asaran agad, alam niyo po yun?

“Parang hindi kami nagtatrabaho, parang magkakaibigan lang kami matagal na.

“Tapos si Julie naman… siyempre si Stell kasama ko lagi yan, minsan nakakasawa na nga, pero ayos lang po.

“Ayun po, yung nakatrabaho ko na rin po si Miss Julie, tapos si Kuya Billy, yung mga hobbies din namin magkakapareha.

“So, madali talaga kami nakapag-connect sa bawat isa.

“And noong nag-start na yung promotion activities ng The Voice Kids, doon ko naramdaman na parang parte talaga ako ng family ng coaches, ng The Voice Kids.

“So, nagpapasalamat din ako doon kasi nakakapagtanong din ako sa kanila, ‘Ano yung experiences mo sa The Voice Kids, paano ba?’

“Kasi especially kids nga po, kids yung mga hinaharap namin.

“Personally, meron akong parang reputation sa mga supporters ko na masungit ako.

“So I don’t know how I will handle these kids, pero I’m just really excited na ma-meet sila.

“And siyempre, alam mo naman, siyempre mag-a-adjust ako kung paano ko mababahagi sa kanila yung knowledge ko.”

Si Pablo ang leader at main songwriter ng SB19.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kasama ang iba pang press, si Pablo sa media conference ng The Voice Kids noong September 4, 2024, sa Studio 7 ng GMA Network.

The Voice Kids host Dingdong Dantes (center) with vocal coaches (from left) Stell, Julie Anne San Jose, Pablo, and Billy Crawford.

The Voice Kids host Dingdong Dantes (center) with vocal coaches (from left) Stell, Julie Anne San Jose, Pablo, and Billy Crawford.

PABLO: “THIS IS A FRIENDLY ENVIRONMENT”

Hindi naman maiwasang mag-asaran sina Pablo at Stell, gayundin si Billy.

Pero asarang katatawanan lamang daw ang kanilang ginagawa.

Paliwanag ni Pablo: “Parang mahalaga kasi na, siyempre, bata yung mga tuturuan namin. Mahalaga na makita nila na this is a friendly environment.

“Kasi pagdating sa mga bata, all positive, e. Minsan, kailangan mo ng mga criticisms here and there.

“Pero sa stage nila, mahalaga na may nagpu-push sa kanila.

“And, this is a competition. This is a small part of their journey as a singer, as singers.

“And, yun nga, kailangan maipaintindi sa kanila na kahit nandito sila, nagku-compete with each other.

“Ang pinakamahalaga is yung mabubuo nilang friendship, yung knowledge na matututunan nila para paglabas nila ng The Voice Kids, mas ma-enhance nila yung abilities nila at mas ma-project pa nila kung sino sila.

“Yun lang yung pinaka-important role ng The Voice Kids talaga.

“Yung bigyan sila ng experience na hindi nila malilimutan at ma-inspire sila to achieve or continue their dreams.”

Ayon kay Pablo, wala siyang masyadong experience sa mga singing contest pero sigurado lang siyang mahilig siyang kumanata.

Aniya, “Pero ang alam mo lang, mahilig po talaga ako umawit.

“Tapos every time po siguro na nakakita ako ng child na kumakanta, sobrang nai-inspire ko.

“Kasi doon din po kami nagsimula, lalo na po kami ni Stell.

“We’re fairly new sa industry, pero we also had our share of challenges.

“Talagang mayroong point na talagang maggi-give up ka, gi-give up ka.

“Pero back then, nung nagti-training kami, ang nasa isip lang namin nun, gusto namin mag-training araw-araw, gusto naming umawit, gusto namin ma-experience makapag-perform sa malalaking stage.

“Ganun din po yung mga kids, parang sobrang puro nung intention nila.

“Ginagawa nila yung bagay kasi, yun nga po, yun yung pangarap nila, yun yung parang gusto nilang gawin sa buhay, umawit.

“Or even just to entertain people.

“Every time na nakikita ko sila, parang kapag napanghihinaan ako ng loob, naaalala ko yung nag-uumpisa pa lang yung SB19, kami nina Stell.

“And through that, namo-motivate ako, nai-inspire ako.

“So, this kind of platform, The Voice Kids, sobrang blessing po siya sa akin.

“Kasi parang nare-relive ko yung feeling ng nagsisimula pa lang kami ng SB19.

“Kaya sobrang excited na ako mag-meet yung mga bata.”

Magsisimula ang The Voice Kids sa GMA-7 sa September 15, 2024, 7:05 P.M.