Sandro Muhlach, nakahanap nang personal sina Nones at Cruz sa DOJ
– Humarap si Sandro Muhlach sa DOJ kasama ang kanyang ama na si Niño Muhlach laban kina Jojo Nones at Richard Cruz
– Inakusahan ni Sandro ang dalawang independent contractors ng r^pe through s3xual assault at acts of lasciviousness
– Inilipat sa ibang kuwarto sina Nones at Cruz upang ibahagi ang kanilang counter affidavit
– Itinatanggi nina Nones at Cruz ang mga alegasyon laban sa kanila ayon sa kanilang abogado
Kamakailan lamang, personal na humarap ang aktor na si Sandro Muhlach sa mga independent contractors na sina Jojo Nones at Richard Cruz sa Department of Justice (DOJ) kaugnay ng kasong isinampa niya laban sa dalawa.
Sa muling pagkikita ng magkabilang panig, makikitang napatayo si Sandro nang makita sina Nones at Cruz. Agad namang nilapitan siya ng kaniyang mga abogado para payuhan. Kasama rin ng aktor ang kanyang ama na si Niño Muhlach, na nagsabing labis pa ring naapektuhan ang kanyang anak dahil sa insidente.
“Galit syempre. Umiyak siya sa loob. Kaya pinalabas muli ‘yung kabila. Sana lang ay maging maayos na ang takbo ng kaso sa mga susunod na araw,” pahayag ni Niño.
Upang maiwasan ang tensyon, inilipat sina Nones at Cruz sa ibang kuwarto habang ibinahagi nila ang kanilang mga salaysay para sa kanilang counter affidavit. Patuloy na itinatanggi ng dalawa ang mga alegasyon laban sa kanila.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram – get the most important news directly in your favourite app!
Ayon kay Atty. Maggie Abraham-Garduque, abogado ng mga independent contractors ay pinapabulaanan nila ang alegasyon.
Ang kaso ay kasalukuyang hinihintay na umusad para sa susunod na mga legal na hakbang.
Ang ama ni Sandro na si Niño Muhlach ay isang kilalang aktor sa industriya ng pelikulang Pilipino. Isa siya sa mga batang artista noong dekada ’70 at ’80 na sumikat sa kanyang mga mahusay na pagganap sa mga pelikula.
Matatandaang tatlong hotel ang nagsumite ng mga kopya ng CCTV sa NBI kaugnay ng kaso ni Sandro Muhlach. Ang mga footage ay mula sa mga hotel na pinuntahan ni Muhlach bago at pagkatapos ng umano’y pangmomolestya.
Kinuwestiyon naman ni Senator Jinggoy Estrada kung paano nalaman ni Ogie Diaz ang insidente. Sinabi ni Estrada na unang lumabas ang impormasyon sa publiko bago pa ito nalaman ng pamilya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa’yo ➡️ hanapin ang “Recommended for you” block at mag-enjoy!