Samantha Panlilio clarifies comment about Guess the bill trend

Maayos at nananatiling magkaibigan sina Bb. Pilipinas Grand International 2021 Samantha Panlilio at Miss World Philippines 2024 Krishnah Gravidez.

Ito ang kinumpirma ni Samantha matapos pag-usapan online ang naging pahayag niya sa isang panayam kamakailan tungkol sa kontrobersiyang kinahaharap ng mga kapwa niya beauty queen, kabilang na si Krishnah.

Noong Miyerkules, September 25, 2024, hiningan ng reaksiyon ni TV5 entertainment reporter MJ Marfori si Samantha tungkol sa viral “Guess the bill” challenge na kinasahan ni Krishnah.

Kasama niya sina Reina Hispanoamericana 2023 2nd runner-up Michelle Arceo, Mutya ng Pilipinas – Environment International Philippines 2024 Arianna Charlize Pantaleon, at ang internet personality na si Emman Atienza.

Si Emman ang siyang uploader ng viral na video.

THE VIRAL “GUESS THE BILL” VIDEO

Noong Lunes, September 22, nag-viral sa social media ang TikTok video ni Emman kunsaan hinulaan nilang magkakaibigan kung magkano ang total bill ng kanilang kinain sa isang high-end Japanese restaurant.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Kung sino raw ang makakahula ng tama o pinakamalapit sa total bill ay siyang magbabayad.

Si Krishnah ang siyang nakahula kaya naman siya ang umastang bumunot ng wallet at maglabas ng credit card para magbayad.

Lumalabas na tumataginting na PHP133,423 ang naging bill nila.

Emman Atienza defends herself over viral video of her and her friends having dinner worth PHP130,000.

Photo/s: Screengrab from TikTok | @emmanatienza

Bagamat naglabas naman ng panibagong video si Emman para ipaliwanag na katuwaan lang nilang magkakaibigan ang challenge at hindi naman si Krishnah ang totoong nagbayad, hindi ito nakaligtas sa puna ng netizens.

Giit ng ilang netizens, walang habas daw itong pagpapakita ng karangyaan sa buhay gayong maraming Pilipino ang umaaray sa kahirapan.

SAMANTHA PANLILIO warns co-beauty queens to be “more sensitve and aware.”

Dahil mainit na usap-usapan online ang isyung ito, hiningan ni MJ ng reaksiyon si Samantha nang personal niya itong makapanayam.

Ani MJ, “Siyempre bilang isang beauty queen, updated ka sa mga nag-trending na beauty queens, iyong mga nanghuhula ng bill. Anong masasabi mo kapag ganon yung mga pinag-uusapan in the sphere? Ano yung opinyon mo, kunwari may mga ganong bagay, that trends with it comes to the beauty queens and socialites, etc?”

Aminado si Samantha na hindi pa niya noon napapnood ng buo ang viral na video, kaya pahapyaw lang siyang nagbigay ng reaksiyon.

Pahayag niya, “For me, there’s no point of being mayabang, especially in this day and age.

“We have to be very sensitive to the Filipino people, because as you know, there are a lot of people struggling and the economy is still recovering sadly from COVID, right?

“So I think let’s just be more sensitive and aware. And kung hindi mo kailangang magyabang, huwag na. What’s the point, di ba?”

SAMANTHA CLARIFIES HER STATEMENT

Matapos ilabas sa social media ni MJ ang video ng pagsagot ni Samantha ay mabilis itong pinag-usapan.

Kung may mga sumang-ayon kay Samantha ay mayroon din namang binatikos siya dahil sa anila’y “pagsawsaw” nito sa isyu.

May iba ring minasama ang kanyang naging pahayag at inisip na patungkol ito lahat sa co-beauty queen niyang si Krishnah.

Bagay na mabilis namang itinanggi ni Samantha.

Sa pamamagitan ng isang post sa X (dating Twitter) nilinaw ni Samantha na walang masayang tinapay sa pagitan nila ni Krishna.

Sa katunayan, malapit daw silang magkaibigan kaya’t hindi niya mawari kung bakit sila ngayon ang iniisyu nang dahil lang sa kanyang pagsagot.

Mababasa sa tweet ni Samantha (published as is): “Guys hinay lang, Krishna is a very good friend of mine.

“I was asked a general question about how I feel about beauty queens (again, in general) flashing their dinner bills worth 100,000 pesos.

I was not aware of the whole context nor that it was pertaining to a social media challenge done by a specific group of people.”

Samantha Panlilio clarifies comment about

Krishnah Gravidez apologizes for viral video

Samantala, dalawang beses na ring humingi ng dispensa si Krishnah sa mga na-offend at minasama ang ginawa nilang challenge.

Sa huling apology ni Krishnah sa Instagram nitong gabi ng Huwebes, September 26, muli niyang iginiit na nagkatuwaan lamang silang magkakaibigan, pero napag-isip-isip din niyang iba ang dating nito sa ilang netizens lalo na’t may titulong nakaatang sa kanyang ulo at pangalan.

Mensahe ni Krishnah: “I would like to sincerely apologize for the misunderstanding and controversy caused by the viral “Guess the Bill Challenge” video circulating on social media.

“While it was all done in the spirit of fun among company, I’ve realized that my actions are perceived differently by others.

“I was merely an invited guest and had no involvement in the choice of venue or the handling of the bill but I fully understand the impact the video may have had and the assumptions it has generated.”

Muli ring idiniin ni Krishnah na imbitado lamang siya sa pagtitipon at wala siyang binayaran ni isang kusing, taliwas sa iniisip ng iba dahil sa pagbunot niya ng wallet at credit card sa viral nilang video.

Sa katunayan, nakikisimpatiya raw siya sa mga Pilipino na hirap na hirap itawid ang isang araw para lamang makakain dala ng kahirapan.

Aniya, “Please allow me to clarify that I did not pay the said amount and in no way was my participation on the video meant to promote or glorify an extravagant lifestyle.

“I genuinely empathize with the struggles that many Filipinos face on a daily basis, and I would never want to come across as insensitive or unaware of these harsh realities.

“The persona which how I was viewed in the video is not a reflection of who I am or the values I uphold.

“I take full responsibility for my actions and deeply regret any offense or negative impression this incident may have caused.”

Hindi rin daw niya nakakalimutan ang kanyang mga dapat inaasta sa publiko dahil sa pagiging Miss World Philippines 2024 titleholder.

Kalakip nito ang pangako niyang magiging maingat na siya sa mga susunod na kilos, maging pampubliko man ito o pribado.

Sabi ni Krishnah: “As Miss World Philippines 2024, I am fully aware of my role and the responsibilities that come with it, especially in aligning with the organization’s advocacy for charity and compassion.

“This experience has been a humbling reminder of the importance of being mindful of my actions, both in public and in private.

“I am truly sorry for any unintended harm, and I promise to be more cautious and reflective in the future, especially with regards to my presence on social media

“Thank you to everyone who continues to support me, and I hope to move forward from this incident with more wisdom and grace.”