Sa press conference na ginanap sa loob ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Dava

Sa press conference na ginanap sa loob ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Davao City ngayong Linggo, Agosto 25, sinabi ni Philippine National Police chief Gen. Rommel Francisco Marbil na tukoy na nila ang pinagtataguan ng puganteng lider ng KOJC na si Apollo Quiboloy sa loob ng kanilang lugar.

Base sa impormasyong nakalap ng pulisya, sinabi ni Marbil na nasa underground facility si Quiboloy pero inaalam pa rin nila kung saan ang mga entrada nito upang mapasok nila ang lugar.

Iisa rin ang tono ni Davao City acting police director Col. Hansel Marantan nang sabihin nito sa panayam sa radyo na tukoy na nila ang pinagtataguan ni Quiboloy sa loob ng KOJC compound subalit tumanggi itong magbigay ng karagdagang detalye.

#PilipinasToday
#KOJC
#Quiboloy