Sa pagdinig ng Senate Committee on Justice and Human Rights ngayong Martes, Agos
Sa pagdinig ng Senate Committee on Justice and Human Rights ngayong Martes, Agosto 27, tiniyak ni Tansingco na patuloy ang coordination nila ng Indonesian immigration officers para sa pag-aresto kay dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Ayon kay Tansingco, ‘standing and continuous’ ang coordination ng dalawang bansa base sa huling sulat na kaniyang ipinadala sa hepe ng Indonesian Immigration.
Nang hingan naman ng katiyakan ni Senator Risa Hontiveros si Tansingco na mahuhuli si Guo, sinabi ng kalihim na ginagawa ng BI ang lahat sa pakikipagtulungan na rin ng iba pang mga ahensya tulad ng Department of Foreign Affairs at National Bureau of Investigation.
Isiniwalat din ni Tansingco sa pagdinig na base sa huling report na kaniyang natanggap ay nasa Jakarta, Indonesia na umano ang dating alkalde.
#PilipinasToday
#AliceGuo
#NormanTansingco
#WannaFactPH