Sa ginanap na pagdinig ng House Quad Committee ngayong Miyerkules, Agosto 28, tu

Sa ginanap na pagdinig ng House Quad Committee ngayong Miyerkules, Agosto 28, tungkol sa ‘war on drugs’ ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni Police Lt. Col. Jove Espenido na maraming paglabag sa karapatang pantao ang nangyari nang ipatupad ang madugong kampanya laban sa ilegal na droga.

“Una pa lang mayroon nang impormasyon n aini-eliminate nila yun mga Chinese drug lord. Pero ‘yun kumpetensiya lang nila sa drug trade,” giit ni Espenido.

Giit pa ng police official na karamihan sa mga napatay sa ‘war on drugs’ noong termino ni Digong Duterte ay mga ordinaryong adik o tulak habang ang mga bigtime drug lord ay hindi nagagalaw. “Para sa akin, mga biktima sila (ordinary drug users). Gusto ko sana silang bigyan ng second chance,” ayon sa kanya.

Nang maitalaga siya sa Leyte, Ozamiz City at Bacolod City, sinabi ni Espenido na mahigpit ang tagubilin niya sa kanyang mga tauhan na huwag pag-initan ang mga ordinaryong user at pusher sa anti-drug campaign, at sa halip ang mga bigtime drug lord at supplier ang kanilang targetin.

“My mission was for the drug suspects to surrender to be rehabilitated. Nobody died during my stints in Albuera (Leyte) and Bacolod,” aniya. Giit pa ng opisyal na nakatanggap siya ng impormasyon na binibigyan ng P20,000 ‘reward’ para sa bawat mapapatay sa ‘war on drugs’ ni Duterte.

#PilipinasToday
#RodrigoDuterte
#Duterte
#EJKKillings
#WannaFactPH