Sa ginanap na deliberasyon ng House Committee on Appropriations sa pamumuno ni A
Sa ginanap na deliberasyon ng House Committee on Appropriations sa pamumuno ni Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co sa proposed 2025 budget ng Department of Education (DepEd) ngayong Lunes, Setyembre 2, iginiit ni DepEd Secretary Gina Gonong na walang kinalaman ang kagawaran sa ‘Isang Kaibigan’ story book ni Vice President Sara Duterte na planong ipamahagi sa mga estudyante.
Ito ay matapos madiskubre ng Kamara na ilang staff ng DepEd creative media team ang nakibahagi sa pagbubuo ng ‘Isang Kaibigan’ na nais ni VP Sara na pondohan ng gobyerno ng P10 milyon sa ilalim ng Office of the Vice President (OVP).
Sa pagtatanong ni 1-Rider party-list Rep. Ramon Rodrigo Gutierrez, sinabi ni Gonong: “ I have no knowledge of that and there is no payment made to them.”
#PilipinasToday
#VPSaraDuterte
#SaraDuterte
#Duterte
#WannaFactPH