Ryan Bang, gustong ikasal sa Korea at Pilipinas: “Sa Pilipinas gusto ko main wedding”

– Ibinahagi ni Ryan Bang na anim na buwan pa lamang ng relasyon nila ni Paola Huyong nang malaman niyang siya na ang nais niyang pakasalan

– Sa isang panayam, ikinuwento ni Ryan ang pagtanggap ng pamilya ni Paola sa kanya at ang paghingi ng basbas mula sa mga magulang nito

– Kamakailan ay nag-propose si Ryan kay Paola sa coffee shop nito habang kunwaring nagba-vlog sila

– Plano ni Ryan na magkaroon ng maliit na kasal sa Korea at isang main wedding sa Pilipinas

Ibinahagi ni Ryan Bang na anim na buwan pa lamang sila ng kanyang kasintahan na si Paola Huyong nang malaman niyang siya na ang “the one” na nais niyang pakasalan.

Ryan Bang, gustong ikasal sa Korea at Pilipinas: "Sa Pilipinas gusto ko main wedding"
Ryan Bang, gustong ikasal sa Korea at Pilipinas: “Sa Pilipinas gusto ko main wedding”
Source: Instagram

Sa isang panayam sa ABS-CBN News, sinabi ni Ryan na isang taon na sila ni Paola. “One year na kami. After 6 months naging kami, naisip ko na,” ani ni Ryan.

Read also

BINI Colet, viral nang ikuwento ang tungkol sa ‘poster’ ni Nadine na nais bilhin noon

Pinaliwanag ng It’s Showtime host na isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit alam niyang si Paola na ang kanyang makakasama habambuhay ay ang pagtanggap ng pamilya nito sa kanya ng buong puso.

“Ang buhay natin up and down. Na-realize ko mga pinagdadaanan namin. May masayang moments, yung travels. Grabe din paano ako tinanggap ng pamilya ko. Grabe ‘yung walang judgement. Paano inaccept ako, family ko, culture ko, pagkatao ko. Alam mo na eh. Ramdam mo siya na pang habang buhay mo kasama,” dagdag ni Ryan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon kay Ryan, noong nakaraang linggo siya nagpaalam sa mga magulang ni Paola na nais niyang mag-propose dito.

Sa parehong panayam, ikinuwento rin ni Ryan ang sandali ng kanyang pag-propose kay Paola sa coffee shop nito kamakailan.

Ibinahagi rin ni Ryan ang plano nilang kasal. “Paguusapan pa lang naming [ang wedding]. Gusto ko dito. Dito talaga buhay ko. Sa Korea kami, small wedding. Sa Pilipinas gusto ko main wedding,” ani ni Ryan.

Read also

Kris, nilinaw ang naging relasyon kay Mark Leviste; inaming may bagong ‘pag-ibig’

Noong Hunyo rin, nagkita ang mga magulang nina Ryan at Paola sa Korea.

Si Ryan Bang ay isang Koreanong nanatili sa Pilipinas upang mag-aral. Kinalaunan ay nabigyan siya ng pagkakataon na maging bahagi ng showbiz nang mapasali siya sa reality show na Pinoy Big Brother kung saan kasabayan niya si James Reid na naging malapit niya ring kaibigan.

Nakasama ni Ryan ang co-host niya sa It’s Showtime na si Cianne Dominguez sa kanyang vlog. Sinama niya ito sa pinakabagong branch ng kanyang food business na Ducup sa isang mall sa Makati. Marami sa mga viewers ng YouTube channel ni Ryan ang kinilig sa kanilang dalawa dahil kahit sa It’s Showtime ay lagi silang tinutukso. Ito umano ang unang pagkakataon na lumabas silang dalawa nang hindi kasama ang kanilang mga katrabaho.

Naibahagi ni Ryan Bang sa madlang people na may girlfriend na siya. Nakwento ni Vice Ganda ang ginawa ni Ryan na pagtext sa kanya para ibalita ito. Si Vice Ganda raw ang una niyang sinabihan dahil ani Ryan ay dapat si Vice Ganda ang unang makaalam. Ani Vice Ganda, tinawagan niya si Ryan at naiyak daw ito nang makausap niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa’yo ➡️ hanapin ang “Recommended for you” block at mag-enjoy!