Rosmar answered the issue of not paying attention to Diwata when she was not yet famous!

Naglabas ng pahayag ang social media influencer at business owner na si Rose Marie Tan Pamulaklakin o mas kilala bilang Rosmar hinggil sa mga kritisismo na kanyang natatanggap matapos itaguyod ang kanyang sariling negosyo na katulad ng kay Diwata.

Nitong mga nakaraang araw, usap-usapan sa social media ang opening ng paresan business ni Rosmar na sinabing na-inspire daw ito sa pares overload ni Diwata.

Base sa mga netizens, talagang tinularan ni Rosmar ang kasikatan ng pares overload ni Diwata kung saan sa 100 pesos ay mayroon nang pork pares, unli rice, unli sabaw, bote ng maliit na coke, at drinking water.

Marami ang nagtaka at nagreklamo nang gayahin ito ni Rosmar sa parehong presyo at inclusions, kasama pa ang libreng swimming sa kanilang resort.

Ibinahagi ni Rosmar na walang katotohanan ang mga alegasyon na ginaya niya ang negosyo ni Diwata, bagkus nainspire lamang siya.

Kilala ang paresan business ni Diwata sa Pasay City at hindi maikakaila ang matinding suporta ng mga tao rito.

Wala raw intensyon si Rosmar na makipagsapalaran kay Diwata at hindi niya ito kinukumpetensya dahil magkaibang lugar naman sila.

Makikita ang paresan ni Rosmar sa kanyang resort sa Laguna at magbubukas din sila ng ikalawang branch sa Tagaytay sa susunod na buwan.

Bukod sa issue na ito, sinagot din ni Rosmar ang tsismis na hindi niya pinansin si Diwata noon na hindi pa ito kilala. Ipinalabas ni Rosmar na noon pa man ay sumasagot na siya sa mga mensahe ni Diwata, kahit wala pa itong pares business.