Rosanna Roces Regrets Lost Friendship with Ai-Ai Delas Alas

Nagpahayag ng panghihinayang ang aktres na si Rosanna Roces sa pagkakaibigan nila ng komedyanteng si Ai-Ai delas Alas. Sa naging panayam ni Aiko Melendez kay Rosanna Roces, tinanong niya ito tungkol sa saloobin nito sa pagkakaibigan. Kaagad naman itong sinagot ni Rosanna Roces na mas mabuti na ang isang tao ay magkaroon lamang ng kanilang mga kaibigan na tapat kaysa magkaroon ng marami ngunit nagsasalita sa iyong likuran. Binalikan din niya ang dating pagkakaibigan nila ni Ai-Ai, at sinabing masaya ang relasyon nila ng komedyante noong mga panahon na iyon. Idinetalye naman ni Rosanna Roces ang totoong nangyari sa pagkakaibigan nila ni Ai-Ai Delas Alas at kung paano ito nasira dahil sa panunulsol ng ibang tao at magkaiba nilang mga raket. “Yung pinagsamahan namin noon, totoo eh… Sobrang saya, sobrang nakakatawa,” pagbabalik tanaw ni Rosanna Roces. “Nahaluan lang ng mga… pero nahaluan din ng magkakaibang raket na nagkakabangga bangga,” pahayag pa ni Rosanna Roces. Pero ang totoong pinag-awayan umano nila noon ay nag-umpisa sa show nila sa Dagupan, kalakasan naman umano nila ang mag-show noon pero hindi niya alam kung bago ang show nila ay nauna na palang nagkaroon ng show roon sina Ai-Ai Delas. Naku at Ara Mina kaya nag-flop ng husto ang kanilang show. “Ang totoong pinag-awayan namin, may show kami sa Dagupan, kalakasan namin mag-show no’**n, hindi ko alam before ng show namin, nag show siya with Ara Mina, so nag-flop ‘yun ng husto.” Naghinala naman si Rosanna Roces na ang dahilan ng pagsama ng loob sa kanya ni Ai-Ai Delas Alas ay ang pagkatanggal nito sa poster ng kanilang show ngunit wala rin naman siyang alam dahil sa desisyon ng kanyang producer na tanggalin ito. “So ang ginawa ng producer ko na hindi ko alam, tinanggal siya sa poster – So nung nakita niya ‘yun siguro, sumama ‘yung loob niya,” pagbabahagi ni Rosanna. Gayunpaman, hiling ni Rosanna Roces ngayon na muling manumbalik ang kanilang pagkakaibigan at magkaroon ulit sila ng show na magkasama.