Rochelle Pangilinan, nagpahayag ng pagsuporta kay VP Leni Robredo
Rochelle Pangilinan recently revealed that she is voting for Vice President Leni Robredo.
Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Rochelle ang video ng female presidential aspirant kung saan ipinamahagi niya ang kanyang limang punto sa plano para sa ekonomikong pag-angat ng Pilipinas.
Matapos ay naglagay siya ng mahabang caption kung saan ibinahagi niya kung gaano siya kaingat sa pagpili ng kandidato.
“Ako ay isang ina. Pangunahin sa isip ko ang kinabukasan ng aking pamilya, lalo na ang anak ko. Nag-research ako… nakinig… nagbasa… nagdasal para ako ay magabayan patungo sa taong dapat kong iboto.”
Inilahad din ng dating lider ng SexBomb ang mga katangian na hinahangaan niya kay VP Leni.
“Bakit siya ang napagdesisyunan kong iboto ? Siya ay Maka-Diyos. Hindi sinungaling. Hindi magnanakaw. Palagi siyang may ginagawa. Hindi sya puro salita.. Hindi sya nagsalita ng masakit laban sa kapwa kahit masasakit na salita ang natatanggap nya. Higit sa lahat isa din syang Ina kagaya ko. Kaya importante rin sa kanya Ang mga dahilang importante sa akin, Ang pamilya At ang anak.”
Si VP Leni Robredo ang kasalukuyang bise presidente ng Pilipinas. Siya ay isang human rights lawyer. Ang kanyang asawa ay ang yumaong DILG Secretary Jesse Robredo. Sila ay may tatlong mga anak, sina Aika, Patricia, at Jillian. Si VP Leni ay kasalukuyang tumatakbo para sa pinakamataas na posisyon sa bansa sa darating na halalan sa Mayo 2022.