Rob Moya, dineadma ni Toni Fowler nang subukan niya itong lapitan

Sa kanyang bagong video sa YouTube, ipinakita ni Rob Moya ang kanilang muling pagkikita ni Toni Fowler. Ito ay sa isang taping na dati pa umanong naka-schedule ayon sa pahayag ni Toni sa kanyang vlog. Sinubukan ni Rob na lumapit sa kanyang ex na kasama si Vince Flores ngunit dineadma siya nito. Matatandaang nagkaayos na sana ang dalawa ngunit naudlot ito nang bigyan ni Rob ng singsing si Toni at humihiling kung pwede siya manligaw uli.

Sinubukan ni Rob Moya na lumapit kay Toni Fowler nang muli silang magkasama sa isang taping na naka-schedule na noong hindi sila nagkakagulo. Gayunpaman, hindi siya pinansin ni Toni at iniwasan siya nito. Makikita sa ibinahaging video ni Rob ang kanyang paglapit sa kinaroroonan nina Toni at Vince Flores. Gayunpaman, nang makita niyang maraming tao ang naroroon ay bumalik siya dahil baka mapahiya umano siya.

Nang matapos ang taping, ayon kay Toni ay natatawa na lang siya dahil parang hindi na ganoon ka “big deal” sa kanya ang kanilang naging gulo. Gayunpaman, nagkaroon umano sila ng parinigan at aminado din si Toni na napairap na lamang siya. Kasama ni Toni sa nasabing taping ang kanyang manliligaw na si Vince Flores na siyang nagmaneho para maihatid si Toni.

Matatapos ang taping, ayon kay Toni ay natatawa na lang siya dahil sa parang hindi na ganoon ka “big deal” sa kanya ang kanilang naging gulo. Gayunpaman, nagkaroon umano sila ng parinigan at aminado din si Toni na napairap na lamang siya. Kasama ni Toni sa nasabing taping ang kanyang manliligaw na si Vince Flores na siyang nagmaneho para maihatid si Toni.

Matatandaang naroon din si Vince nang subukan ni Rob kamakailan na magpaalam kung pwede ba siyang manligaw uli kay Toni dahil alam naman daw niyang wala pa itong karelasyon. Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay nina ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Kamakailan nga ay agad na nag-viral ang post ni Toni Fowler kung saan pinasalamatan niya si Tito Vince dahil palagi itong nasa tabi niya kahit hanggang magkaibigan lang umano sila. Naging usap-usapan din ang pagtulong niya sa preparasyon para sa proposal ng kanyang dating karelasyon na si Rob Moya sa bago nitong girlfriend. Gayunpaman, nagkahiwalay din sila.