Rita Daniela, sinampahan ng reklamo si Archie Alemania sa di-umano’y pambabastos
– Nagsampa ng reklamong acts of lasciviousness ang Kapuso singer-actress na si Rita Daniela laban sa aktor na si Archie Alemania sa Office of the Prosecutor ng Bacoor City
– Ayon sa reklamo ni Rita, sinubukan umano siyang halikan at pinilit ng aktor habang ihinahatid siya nito pauwi mula sa thanksgiving party ni Bea Alonzo
– Kinabukasan ay nag-sorry umano si Archie sa kanyang inasal at sinabing dala ito ng kalasingan
-Pinaalam ni Rita ang insidente sa GMA management at hiniling na tanggalin si Archie sa Kapuso seryeng Widow’s War
Isang kasong acts of lasciviousness ang isinampa ng Kapuso singer-actress na si Rita Daniela laban sa aktor na si Archie Alemania, sa Office of the Prosecutor ng Bacoor City ngayong umaga.
Ayon kay Rita, nakaranas siya ng pambabastos mula kay Archie noong Setyembre 9 sa isang thanksgiving party sa tahanan ni Bea Alonzo sa Quezon City.
Sa affidavit ni Rita, sinabi niyang unang ayaw niyang dumalo sa party dahil sa pagpapaospital sa kanyang ina. Subalit pumunta siya matapos ang kanyang taping sa All-Out Sundays.
Pagdating niya bandang hatinggabi, napansin niyang lasing na si Archie at hindi ito nagdalawang-isip magbitaw ng komento tungkol sa kanyang pisikal na itsura na ikinalungkot niya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ayon pa kay Rita, nang mag-duet sila ng Kapuso actor na si Royce Cabrera sa kahilingan ni Bea, sumigaw si Archie ng mga hindi angkop na salita. Hindi umano ito pinansin ni Rita ngunit napansin ni Bea ang inasal ng aktor at sinaway ito.
Lumala umano ang insidente nang siya’y alukin ni Archie na ihatid pauwi sa Bacoor. Bagama’t nag-book na siya ng Grab, ipinilit umano ni Archie na sumama siya rito, dahilan upang siya’y sumang-ayon sa huli.
Sinabi ni Rita na habang binabaybay nila ang Cavitex, pinipilit siyang hawakan ni Archie, at pagdating nila sa kanyang bahay, humingi umano ito ng halik. Nang tumanggi siya, inilahad ni Rita na pinilit umano siya ni Archie at sinubukan pa itong halikan ng buong puwersa.
Kinabukasan, nag-text umano si Archie upang humingi ng paumanhin at sinabing dala ng kalasingan ang kanyang ginawa. Ipinahayag ni Rita ang insidente sa GMA management at humiling na tanggalin ang aktor sa seryeng Widow’s War.
Bilang patunay, nakalakip sa kanyang affidavit ang mga missed calls at text message ni Archie. Patuloy na tinututukan ang reklamo ni Rita habang hinihintay ang tugon ng Office of the Prosecutor.
Si Rita Daniel ay isang Pilipinang mang-aawit, aktres, at host sa telebisyon. Nagsimula ang kanyang karera matapos siyang tanghalin bilang kauna-unahang grand champion ng QTV’s PopStar Kids at mas nakilala pa siya sa kanyang pagganap bilang Aubrey Palomares sa “My Special Tatay.”
Sa isang naunang ulat ng KAMI, ang anak ni Rita na si Uno ay nagdiwang ng kanyang unang kaarawan. Kasabay ng kanyang kaarawan noong Disyembre 22, si Baby Uno ay nagkaroon ng Christian dedication. Noong Enero 4, nag-post si Rita sa social media ng mga magagandang larawan mula sa nasabing selebrasyon. Sa mga larawang kuha ng Nice Print Photography, makikitang masaya si Uno sa kanyang “PAW Patrol”-themed na party.
Sa isa pang panayam kay Rita ni Boy Abunda, tinanong siya tungkol kay Julie Anne San Jose. Sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda,” tinanong ni Boy kung nagseselos ba si Rita kay Julie Anne. Agad na sinagot ng celebrity mom, “Wala po, Tito Boy.” Matatandaang magkasama ang dalawang singer sa ‘Pop Star Kids,’ kung saan si Rita ang tinanghal na grand champion, habang si Julie Anne naman ay kabilang sa mga naging finalist.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa’yo ➡️ hanapin ang “Recommended for you” block at mag-enjoy!