Richard Gutierrez, Barbie Imperial together in Rome

Spotted na magkasama sa Rome, Italy ang rumored sweethearts na sina Richard Gutierrez at Barbie Imperial.

Noong panahong iyon, nasa Italy si Richard para sa taping ng upcoming series nila ni Daniel Padilla, ang Incognito.

Sa isang post sa Facebook, ibinahagi ng isang Filipino restaurant sa Rome na naging customer nila sina Richard at Barbie para sa isang tanghalian.

Pinaunlakan ng dalawa ang mga staff ng restaurant na nais magpakuha ng picture sa kanila.

Caption ng post ng Manila Restaurant, “Thank you Mr Richard Gutierrez and Ms Barbie Imperial for your visit and a quick lunch here in Manila Restaurant”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Komento naman ng isang netizen, “Yung nilolowkey niyo lang tapos pinost kayo nung kinainan niyong restaurant

Comment of netizen on Richard and Barbie Rome sighting

RICHARD GUTIERREZ, BARBIE IMPERIAL SIGHTINGS

Hanggang ngayon ay hindi pa inaamin nina Richard at Barbie ang totoong estado ng kanilang relasyon.

Pero kumbinsido ang marami na may namamagitan na sa dalawa.

Noong August 1, 2024, naispatan si Richard kasama ang ina nitong si Annabelle Rama sa 26th birthday party ni Barbie.

Bago ito, namataan din si Barbie sa lamay ng sister-in-law ng aktor na si Alexa Gutierrez.

Si Alexa ay ang yumaong asawa ng nakatatandang kapatid ni Richard na si Elvis Gutierrez.

Sa video na kuha ng isang netizen at in-upload sa TikTok, makikita si Barbie na kasama sa group photo ng social media personality na si Small Laude, nakatatandang kapatid nitong si Alice Eduardo, at iba pa nilang kaibigan na nakiramay sa pamilya Gutierrez.

Bukod sa birthday party ni Barbie at burol ni Alexa, ilang beses na ring namataang magkasama ang rumored couple.

Noong January 6, 2024, nagsimulang ma-link sina Barbie at Richard nang maispatan silang magkasama sa isang gastropub sa Westgate, Alabang, Muntinlupa City.

Ilang customers sa kanilang paligid ang kumuha ng video ng dalawang celebrity.

Kumalat ang nasabing video sa social media hanggang sa makarating sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Hindi gaanong malinaw ang video ngunit mahihinuhang sina Richard at Barbie nga ang magkatabi sa isang mesa, kasama ang ilang kaibigan.

May 26, 2024, muling nasulyapan ng publiko ang pagsasama nina Richard at Barbie sa iisang lugar.

May netizen ang nakakita sa kanila sa South Korea sa may Myeong-dong area, isang shopping destination sa nasabing bansa.

Ngunit tila hindi lang sa bakasyon magkasama sina Richard at Barbie.

May 27, 2024, nahagip naman si Richard sa Instagram Story ni Barbie habang sila ay nasa gym.

Makikita sa larawan ng aktres ang mirror selfie niya, suot ang kanyang gym outfit.

Ngunit ang mas nakaagaw ng atensiyon ng netizens ay ang lalaki sa likuran ni Barbie na nag-eehersisyo rin.

Hindi malinaw ang mukha ng lalaki na naka-headset, sumbrero, at naka-black sando.

Ang mga pahayag ng ina ni Richard na si Annabelle sa ABS-CBN News noong December 2023 na isang buwan nang naninirahan sa tahanan niya sa Quezon City ang anak ang isang kumpirmasyon ng matagal nang usap-usapang hiwalay na ito sa asawang si Sarah Lahbati.

Mayroon dalawang anak na lalaki sina Richard at Sarah: sina Zion at Kai.