Richard Gutierrez and Barbie Imperial went on vacation together.

Mainit na pinag-uusapan ngayon sa kanilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang bali-balitang magkasamang nagbakasyon sina Barbie Imperial at Richard Gutierrez sa isang beach resort noong nakaraang Holy Week.

Noong March 30, 2024, nagbahagi ng isang video si Richard Gutierrez na kuha mula sa kanyang pagbabakasyon. Hindi naman sinabi ni Richard Gutierrez kung saan siya nagbakasyon ngunit makikitang nasa isang isla si Richard Gutierrez na sinasabing marami na nasa Ticao Island ang aktor na pinupuntahan nila ni Sarah Lahbati.

Sa kasunod na araw ay nagbahagi naman ng post ang aktres na si Barbie Imperial na kuha naman sa kanyang pagbabakasyon na kinunan naman sa tabi ng isang coconut tree.
Hinala ng maraming netizens na magkasama sina Barbie Imperial at Richard Gutierrez dahil na rin sa kanilang mga backdrops.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na na-link sina Barbie Imperial at Richard Gutierrez. Matatandaan na unang naintriga ang dalawa nang kumalat ang mga larawan at video nila na kuha mula sa isang bar sa Alabang.

Kung pagbabasehan ang mga video na mahihinuhang malapit sila sa isa’t-isa at higit pa sa magkaibigan ang kanilang relasyon.

Sa kabilag banda, kumakalat ngayon sa social media ang mga larawan kung saan makikitang tila nakikipag-date na rin sa ibang lalaki ang dating asawa ni Richard Gutierrez na si Sarah Lahbati sa Hongkong.

Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng pahayag sina Barbie Imperial at Richard Gutierrez patungkol sa totoong estado ng kanilang relasyon.