Ricardo Cepeda: From incarceration to release after bail

Lubos ang kasiyahan ni Marina Benipayo nang payagan ng korteng makapagpiyansa ang partner niyang si Ricardo Cepeda.

September 18, 2024 nang mapag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa source ang tungkol sa paglaya ni Ricardo.

Personal na nagtungo si Marina sa Tuguegarao para makapiling si Ricardo, at magkasama na silang umuwi sa Manila.

Nakausap ng PEP si Marina noong Huwebes, September 19, at kinumpirma niya na kasama niya na noon si Ricardo.

Maingat si Marina sa pagbigay ng detalye dahil ayaw daw niyang pangunahan si Ricardo, na siyang nasa posisyon para magkuwento sa karanasan nito.

Isang bagay na pinanindigan ni Marina ay wala raw kasalanan si Richard sa kinasangkutang estafa.

Diin niya, si Ricardo ay ni hindi endorser ng herbal products ng sales company na sangkot sa isyu.

Ibig raw sabihin ay walang tinanggap ang aktor na talent fee bilang endorser.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Brand ambassador lamang daw si Ricardo, at ang tanging ginawa raw nito ay gamiting ang produkto.

“Nagulat na lang kami why there was sooo many wrong info about what happened in the first place, which made us wonder who came up with that allegation,” dagdag ni Marina.

Noon ding umaga ng September 19, nag-post si Marina ng video sa Facebook kunsaan makikitang napaindak pa sa saya ang couple.

Nagbahagi rin siya ng pasasalamat sa Diyos sa paggabay sa kanilang pamilya sa gitna ng pinagdaanang unos.

Naditena si Ricardo sa Camp Karingal sa Quezon City noong Oktubre 7, 2023; at kalaunan ay nilipat siya sa Cagayan Provincial Jail sa Tuguegarao dahil sa kasong estafa.

Ricardo Cepeda during detainment

MORE PHOTOS OF RICARDO POSTED BY NADIA

Isa sa mga kaibigan nina Marina at Richard na naghayag ng kasiyahan para sa kanila ay si Nadia Montenegero.

Kalakip ng supportive message ni Nadia kay Ricardo ay ilang mga litrato ni Ricardo habang nakapiit ito. Galing daw ang mga ito kay Marina.

Kasama rito ang litrato nina Ricardo at Marina sa detention center sa Quezon City, at sa kulungan sa Tuguegarao.

Ricardo Cepeda and Marina Benipayo during his detainment

Marina is seen wearing a detainee shirt during one of her visits inside Ricardo’s detention cell

May litrato rin si Ricardo na may hawak na rosaryo at crucifix, na waring tanda ng pananalig nito sa Diyos sa kabila ng pagkaditena.

Ricardo Cepeda during detainment

Ricardo holds a crucifix while looking up at his cell’s window

At nitong huli ay may litrato rin na kuha nang maaprubahan ang piyansa ni Ricardo.

Court grants Ricardo Cepeda's temporary bail

Ricardo holds court’s decision to grant his temporary bail. Here he is flanked by Atty. Jayson Calagui and partner Marina

NADIA MONTENE TO RICARDO CEPEDA: “YOU ARE FREE!”

Post ni Nadia sa Instagram (published as is): “FINALLY! An innocent man is FREE!! Praise you Lord!”

Inalala ni Nadia kung paano raw nagtiis ng halos isang taon si Richard na mawalay sa pamilya habang ito ay nakulong sa Tuguegarao.

Patuloy ni Nadia (published as is): “One by one you faced them knowing you did nothing wrong. PRAISE YOU LORD FOR YOUR FAITHFULNESS!

“Ric you have always been a kind, decent, respectful and resoected human being.

“This was just a phase you had to go through that only our faith will allow us to surpass and understand. And you did!!!

“We all know you are INNOCENT! And PROVEN!!!”

Positibo rin si Nadia sa “new chapter” sa buhay ni Ricardo.

Dagdag pa ni Nadia: WE LOVE YOU RIC! ?? You are FREE!! To God be all the glory.”