
Rey PJ Abellana, nagsalita na sa mga pasabog ng mag-inang Rea at Carla Abellana
– Ibinuhos ni Rey PJ Abellana ang saloobin matapos mapanood ang interview ng dating asawang si Rea Reyes at anak na si Carla Abellana
– Ayon sa aktor, tila isang panig lang ang narinig ng publiko kaya siya’y lumabas na masama sa mata ng tao
– Inamin ni Rey PJ na masakit at personal para sa kanya ang mga binitawang salita sa panayam na para sa kanya ay dapat ay pribado lamang
– Nanindigan si Rey PJ na matagal siyang nanahimik at hindi nagsasalita tungkol sa kanilang nakaraan, ngunit ngayon ay kailangan na niyang magsalita upang malinawan ang lahat
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Hindi na napigilan ni Rey PJ Abellana ang kanyang damdamin matapos mapanood ang panayam ng kanyang dating asawa na si Rea Reyes at ng anak nilang si Carla Abellana sa YouTube channel ni Julius Babao.

Source: Facebook
Sa nasabing interview, tinalakay ng mag-ina ang mga isyung personal kabilang na ang naging dahilan ng paghihiwalay nina Rea at Rey PJ, at ang isyung cheating na tila paulit-ulit na ibinabato sa aktor. Ayon kay Rey PJ, tila isang panig lamang ang narinig ng publiko, dahilan para siya ay lumabas na masama sa mata ng marami.
“Brutal,” ani Rey PJ tungkol sa mga salitang kanyang narinig. “May mga statements na binitawan na talagang against me.” Sa ulat ni Gorgy Rula para sa column na SHOWBIZ GANERN! ng Pilipino Star Ngayon, sinabi ng aktor na hindi niya inaasahang ilalabas pa sa publiko ang mga ganitong sensitibong bagay na matagal na sanang nakabaon sa tahimik.
“Supposedly private matters na ito. All this time I’ve been quiet… until napanood ko ‘yung interview nila,” dagdag pa niya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Hindi rin pinalampas ni Rey PJ ang isyu ng pagkakaroon umano niya ng tatlong asawa at ang paratang na pagiging “cheater” sa bawat naging relasyon. Ayon sa kanya, hindi alam ng dating pamilya niya ang mga detalye ng kanyang mga naging relasyon pagkatapos ni Rea, kaya’t nakapanghihinayang na basta-basta na lamang siyang hinusgahan.
“All the while wala akong nilalabas against them,” diin pa ng aktor. Aniya, hindi siya nagsalita noon pa man upang protektahan ang kanyang mga anak at ang kanilang dignidad.
Sa kabila ng personal na pagsubok, masaya si Rey PJ na tuloy-tuloy ang kanyang trabaho sa industriya. Kasalukuyan siyang bahagi ng pelikulang The Heart of Music, isang musical film na pinagbibidahan ni Gladys Reyes at ilang Sparkle artists tulad nina Angel Guardian, Kristoffer Martin, at Sean Lucas. Ibinahagi rin niya ang tuwa sa muling pagbabalik sa ganitong genre na malapit sa kanyang puso.
Si Rey PJ Abellana ay isang beteranong aktor na unang sumikat noong dekada ’80 at ama ng aktres na si Carla Abellana. Bukod sa kanyang aktibong karera sa telebisyon at pelikula, naging bahagi rin siya ng maraming publicized na isyu kaugnay ng kanyang personal na buhay, lalo na sa mga relasyon at pagiging ama. Kilala rin siya sa kanyang mahinahong personalidad, kaya’t ikinagulat ng marami ang kanyang pagbubukas-loob sa isyung ito.
Sa isang eksklusibong panayam, ibinahagi ni Rey PJ na mismong si Tom Rodriguez ang lumapit sa kanya noon para personal na makipag-usap. Ayon sa kanya, sinikap ni Tom na ayusin ang gusot at nagpakita ng respeto bilang dating manugang. Pinuri ni PJ ang pagiging mahinahon at diretsong pakikitungo ni Tom.
Sa gitna ng mga espekulasyon sa gender identity ni Tom Rodriguez, mariing sinabi ni PJ Abellana na hindi siya naniniwala sa mga tsismis. Nanindigan siyang hindi nakita ni Tom ang sarili niya bilang iba at walang indikasyon mula sa naging relasyon nito kay Carla. Ipinakita ni PJ ang kanyang paniniwala sa respeto sa dating manugang sa kabila ng hiwalayan nila ni Carla.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa’yo ➡️ hanapin ang “Recommended for you” block at mag-enjoy!
Source: Rey PJ Abellana, nagsalita na sa mga pasabog ng mag-inang Rea at Carla Abellana