Reward for missing beauty queen, boyfriend is now PHP350K

May nadagdag na PHP100,000 sa reward money para sa nawawalang Pampanga beauty queen na si Geneva Lopez at ng Israeli boyfriend nitong si Yitshak Cohen.

Ayon sa ulat ng SunStar Pampanga, ang dagdag na pabuya ay mula kay Angeles City Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin Jr. para sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan nina Geneva at Yitshak.

Si Geneva ay kandidata ng Mutya ng Pilipinas Pampanga 2024 kung saan kinatawan siya ng Sto. Tomas, Pampanga.

Misteryosong naglaho sina Geneva at Yitshak noong June 21, 2024, kung saan napag-alamang nagpunta sila ng Capas, Tarlac, para tingnan umano ang isinanlang lupa sa beauty queen.

COHEN’S FAMILY PHP250-K Reward

Nauna nang nag-alok ang pamilya ni Yitshak ng PHP250,000 reward sa sinumang makapagtuturo kung nasaan ang dalawa.

Sa exclusive interview ng GMA Regional TV noong June 27, sinabi ni Joe Cohen na nag-alok sila ng reward para sa kaligtasan ng kapatid na si Yitshak at ni Geneva.

Aniya, “Our assumption is they’re still alive. We did not have any address for anyone for ransom, so we are hoping they will actually contact us.

“If anyone saw or knows anything, we are really looking to recover our brother and his fiance, and we are offering this money in return for valid information to find my brother and his fiance.”

Where to contact Yitshak family

ISRAEL EMBASSY IN CONTACT WITH PHILIPPINE GOVERNMENT

Nakikipag-ugnayan na rin sa pulisya ang Israel embassy sa Pilipinas kaugnay ng pagkawala ni Geneva at Yitshak.

Sa ulat ng TV Patrol noon ding June 27, 2024, naglabas ang embahada ng Israel ng pahayag tungkol sa nawawalang beauty queen at ng Israeli citizen.

Nakasaad dito, “The Embassy of Israel in Manila, alongside the Ministry of Foreign Affairs in Jerusalem, are fully aware of the case of the missing Israeli, Yitshak Cohen, and are taking the appropriate measures to address it.

“The Israeli embassy is liaising with local authorities, including the Philippine National Police [PNP].

“We have complete confidence in the PNP and Philippine government’s efforts to resolving this matter effectively.”

Dagdag pang ulat ng SunStar, bumuo na rin ang PNP ng special investigation task group o SITG para mahanap ang Mutya ng Pilipinas Pampanga 2024 candidate at si Cohen.

Ayon kay PNP spokesperson Colonel Jean Fajardo, ipinag-uutos ito ni PNP Chief General Rommel Marbil na tatawaging ‘SITG Genesaac.’

Kabilang sa grupo ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Highway Patrol Group, Anti-Cybercrime Group, at Forensic Group.