Rere Madrid addresses rumored relationship with Kai Sotto

Hindi naitago ng Sparkle GMA Artist Center talent na si Rere Madrid ang kilig nang tanungin tungkol sa kanyang love life.

Si Rere ay nakababatang kapatid ni Ruru Madrid.

Finalist siya sa reality-based artista search ng GMA-7 na StarStruck sa ika-pitong season nitong umere noong 2019.

Nali-link ngayon si Rere sa Gilas Pilipinas basketball player na si Kai Sotto.

Si Kai ang naging escort niya sa red carpet ng GMA Gala 2024 na naganap noong July 20, 2024.

Kai Sotto and Rere Madrid at GMA Gala 2024

Nitong September 6, 2024, eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) editors na sina Nikko Tuazon at Rachelle Siazon si Rere tungkol sa kanyang love life.

Naganap ang panayam sa Preview Ball 2024, na ginanap rin sa grand ballroom ng Manila Marriott Hotel sa Pasay City.

Saglit na natigilan si Rere at namula nang tanungin tungkol dito.

Sabi nito, “Oh my god, namula ako!”

Kumusta naman kaya ang estado ng kanyang puso?

Sagot ni Rere, “I’m very happy, yeah. I’m very happy.

“Siguro kagaya nga ng sinasabi ng lahat ng circle of friends ko, mas naging light yung vibe.

“Parang lagi na lang daw akong tumatawa, naka-smile, yun lang.”

Pansin ng PEP editors na “iba ang nagagawa ng may inspirasyon” para kay Rere.

Pagsang-ayon naman ng dalaga, “Iba talaga, iba… Ang sakit sa panga kasi lagi ka nakangiti, hawakan mo lang yung phone mo, naka-smile ka.”

RERE MADRID: ASPIRING BEAUTY QUEEN AND MODEL

Samantala, focused ngayon si Rere sa modelling gigs. Kabilang na rito ang katatapos lang na Bench Fashion Week Holiday 2024, kung saan rumampa siya sa Bench Body fashion show.

Kuwento ni Rere, maiksi lang ang naging preparation niya para sa nasabing underwear fashion show, dahil na rin sa pinagdaanan nitong health concern.

Aniya, “Actually, na-pressure ako dun, e, kasi before the Bench Fashion Week, galing ako ng hospital, dahil nga dun sa GMA Ball.

“So, nag-diet ako nang sobra, bumagsak lahat ng potassium ko, and ang advice ng doctor sa akin is kumain lang ako nang kumain.

“So, kumain ako nang kumain. Konti lang yung naging preparation ko for Bench Fashion Week. But okay naman, I guess.”

Bukod sa modelling, naka-pause muna ang showbiz career ni Rere dahil nais nitong makamit ang isa pa niyang pangarap—ang maging isang beauty queen.

Kaya naman sa nakalipas na dalawang taon ay sumabak na siya sa pageant training para sumali sa isang national pageant. Isa sa nais niyang salihan ay ang Miss Universe Philippines.

Bahagi ni Rere, “Actually, hindi na ako masyadong ganun ka-[active sa showbiz]… Hindi ko na masyadong pinu-push ngayon yung pagiging artista.

“Kasi I’m joining Miss Universe Philippines soon so kailangan ko mag-ready sa lahat ng training—pasarela, communication, speech.

“So, yun yung pinagkakaabalahan ko ngayon for now.”

Ayon kay Rere, matagal niya nang pangarap maging isang beauty queen o international model.

“Dream ko na talaga siya ever since, dream ko na talaga maging Miss Universe or beauty queen o kaya maging isang international model.”

Very supportive naman daw ang pamilya ni Rere, lalo na ang kapatid na si Ruru. sa naging desisyon nito.

Saad niya, “They’re very ano naman, very supportive naman.

“Napi-feel ko yung pagiging kuya ni Kuya Ruru.

“Kasi siya talaga, ever since, parang siya na yung naging mentor ko sa lahat—sa showbiz industry, kung paano ako… sa pagiging public figure, actually.”

READ MORE: