
Rendon Labador sa Jason-Moira issue: “Hindi okay sa’kin”
Rendon Labador sa Jason-Moira issue: “Hindi okay sa’kin”.
– Nagbigay ng pahayag si Rendon Labador tungkol sa issue nina Jason Hernandez at Moira Dela Torre kamakailan.
– Ayon sa kanya, hindi ito okay sa kanya dahil muntik nang magpakamatay ang isang tao dahil sa issue na ito.
– Ipinagtanggol rin niya si Moira na hindi dapat pinagtutulungan.
– Nakiusap din siya sa mga netizens na maging mapanuri at huwag agad mam-bash ng hindi natitiyak ang totoong nangyari.
Muling nagbigay ng pahayag si Rendon Labador ukol sa kontrobersiya sa pagitan nina Jason Hernandez at Moira Dela Torre.
Nabatid ng KAMI na ipinagtanggol ni Rendon si Moira at binigyan mensahe ang mga kasangkot sa issue.
“‘Di okay sa akin na may mawawalang buhay dahil dito. Kailangan natin itong i-voice out. Kailangan natin itong i-address ng tama. Hindi okay sa akin na merong mawawalan ng buhay dahil lang dito.”
“Tingnan niyo ‘yung side ni Moira. Aralin niyo ‘yung side ng babae. Sa lahat ng namba-bash. Sa lahat ng mga nagkakampi-kampihan ‘yang mga lalake. Hindi niyo ba naisip, na babae pa rin ‘yan. May emosyon ‘yan. Tao ‘yan. Bakit niyo pinagkakampi-kampihan? Ako pagtulungan ninyo. ‘Wag ‘yung babae pare.”
Nagbigay rin ng mensahe si Rendon kay Jason na hindi na raw dapat isinisisi ang umano’y naging pagkakamali sa babae.
“At ikaw naman Jason, bakit ganyan ang mindset mo? ‘Yung pagkakamali mo, ‘yung katangahan mo, isinisi mo pa sa babae.”
“Kung gagawa ka ng mali, choice mo ‘yan. Kung sakali man totoo ‘yung ibinibintang mo dun sa babae, ibig sabihin hindi ka marunong magmahal. Nagloko ka Jason, choice mo ‘yan. Never na kasalanan ng partner mo ‘yan.”
“Kung sakali man totoo ang binibitawang salita mo kay Moira, siyempre hinahanap din ng tao kung saan siya liligaya e. Bakit hindi mo napu-fulfill bilang lalake? Siyempre may choice din siyang maging masaya.”
Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:
Si Rendon Labador ay isang influencer, vlogger, fitness instructor, at motivational speaker. Kamakailan, kumalat sa online ang balitang nagbabanta raw siya kay Marc Pingris na makipaglaro ng one-on-one na basketball. Ang pangyayari ay nauugnay sa kanyang komento sa pahayag ng Gilas head coach na si Chot Reyes.
Dati nang kontrobersyal ang komento ni Rendon tungkol sa kilalang aktor, komedyante, at TV host na si Michael V. Naging pahayag rin si Ogie Diaz tungkol dito. Ang usapin din ay nababanggit ang kanyang pagiging social media influencer at pagiging mainstream sa showbiz.