Ready na ang anim na national paraathletes at apat na coach ng Pilipinas para sa
Ready na ang anim na national paraathletes at apat na coach ng Pilipinas para sa inaasahang magarang outdoor opening ceremony ng ika-17 Paris Paralympic Games na gaganapin sa Huwebes, Agosto 29, sa Place de la Concorde hanggang Champs-Élysées sa Paris, France.
Sa unang pagkakataon, makikilahok din sa opening-night festivities ng Paralympic Games ang mga coaches na sina Gershon Bautista, Jonathan Josol, Berson Buen at Brian Ong para sa taekwondo, archery, track and field, at swimming events.
Samantala, kapag natapos na nina paraswimmer Ernie Gawilan at paraarcher Agustina Bantiloc kasama sina Jerrold Mangliwan, Cendy Asusano, Angel Mae Otom, at Allain Ganapin ang paglahok sa festive rites sa kanilang ethnic-inspired uniforms, tututok na sila sa mga events kung saan sila sasabak.
“Place de la Concorde and the Champs-Elysées, the world’s most beautiful avenue, will be transformed into an outstanding stage to showcase the Paralympic movement in a breathtaking setting,” saad pa ni Estanguet.
Binigyang-diin ni Estanguet na inaasahang magdadala ang opening ceremony ng hindi bababa sa 500,000 aficionados sa sikat na Parisian square simula Agosto 28, alas-8 ng gabi (Huwebes, Agosto 29, alas-2 ng madaling araw, Philippine time).
#PilipinasToday
#PinoyParalympians
#WannaFactPH