
Ralph de Leon, Charlie Fleming officially back as PBB housemates
Inanunsiyo na ang dalawang evictees, isang Kapamilya at Kapuso, na magbabalik bilang official housemates sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab.
Ito’y walang iba kundi ang Kapamilya actor na si Ralph de Leon at Kapuso actress na si Charlie Fleming.
Ngayong Linggo, May 18, 2025, ipinakilala na sa taumbayan sina Ralph at Charlie bilang mga nanguna sa botohan para sa wildcard round ng PBB: Celebrity Collab Edition.
Si Ralph, kasama ang ka-duo niya noong si Josh Ford, ang latest evictee.
Habang si Charlie naman, kasama ang ka-duo niyang si Kira Balinger, ay na-evict noong April 12.
WILDCARD ROUND
Sa widcard round, nakatapat ni Ralph ang dalawa niyang kapwa Kapamilya ex-housemates na sina Kira at AC Bonifacio.
Si Charlie naman ay naungusan ang kapwa Kapuso ex-housemates na sina Josh at Ashley Ortega.
Sa huli, nanaig sa botohan sina Ralph at Charlie.
Sa Kapamilya housemates, kabuuang 81.28 percent votes ang nakuha ni Ralph.
Malayung-malayo sa 14.22 percent ni AC; at 4.50 percent ni Kira.

Photo/s: Screengrab ABS-CBN Entertainment on YouTube
Pagdating sa Kapuso ex-housemates, si Charlie ang nakakuha ng pinakamataas na botong 40.44 percent.
Si Josh naman ay may 33.16 percent, habang 26.40 percent ang nakuha ni Ashley.

Photo/s: Screengrab ABS-CBN Entertainment on YouTube
Source: Ralph de Leon, Charlie Fleming officially back as PBB housemates