
Rachel Gupta warns new Miss Grand International 2024 CJ Opiaza
Wala umanong ibang hangad si Rachel Gupta ng India kundi ang kaligayahan at kaayusan ng reign ni CJ Opiaza ng Pilipinas bilang bagong Miss Grand International (MGI) 2024.
Si Rachel ang dating Miss Grand International 2024, at si CJ ang kanyang first runner-up.
Ngunit nagbitiw sa kanyang puwesto si Rachel noong nakaraang linggo dahil sa aniya’y mga hindi natupad na pangako, “mistreatment,” at “toxic environment” ng MGI Organization, na pinamumunuan ng Thai businessman na si Nawat Itsaragrisil.
Ayon naman sa pamunuan ng MGI, binawi nila ang korona ni Rachel dahil sa hindi nito pagtupad sa kanyang tungkulin at paglabag sa ilang mga alituntunin.
Dahil sa pagtalaga sa kanya bilang bagong Miss Grand International 2024, si CJ ang kauna-unahang Pilipina na nanalo sa Thailand-based beauty pageant.
Naganap ang crowning ceremony para kay CJ sa MGI Hall sa Bangkok, Thailand, ngayong Martes, June 3, 2025.

Photo/s: Screengrab from GrandTV on YouTube
RACHEL GUPTA’S MESSAGE FOR CJ OPIAZA
Halos kasabay ng pagkokorona kay CJ bilang bagong Miss Grand International 2024 ang pagpapainterbyu ni Rachel kaugnay sa pagbibitiw niya sa posisyon.
Sa nasabing interbyu ay nagbigay siya ng mensahe para kay CJ.
Ayon kay Rachel, alam niya ang halu-halong nararamdaman ngayon ni CJ bilang bagong hirang na Miss Grand International 2024.
Gayunpaman, ipinagdarasal daw ng Indian beauty queen na matuto na ang MGI Organization at maitama ang pagtrato kay CJ.
Pahayag ni Rachel: “I’m sure she must be feeling a lot of things right now.
“She must be feeling happy to be the new queen.
“She must be feeling confused, a little bit nervous and scared.
“Honestly, I’m praying for her. My heart is with her.
“I hope to God that she does not experience the same thing I did.
“But the truth is that this is the organization that she’s choosing to work with, and I have a lot of respect for her.
“She comes from a beautiful country and I’m truly praying that she has a good experience with the organization.”
Bilin pa ni Rachel kay CJ, anuman ang mangyari ay pagkaingatan nito ang sarili laban sa mga mapagsamantala.
Saad niya: “My message to her is to please protect yourself and please know that when they show their true colors, which they will, I will be there for you.
“And please be safe and protect yourself and do not let anyone make you feel uncomfortable or targeted.
“I really think that the organization might try extra hard to give her a good reign now because of all the negative press they’ve gotten.
“So I think they might try to prove that they’re doing a good job with her and they might, you know, give her an extra-extra special reign and be more attentive.
“And I really hope that that’s the case.”
Rachel Gupta reveals Miss Grand International’s mistreatment
Mabibigat ang akusasyon ni Rachel Gupta kay Nawat Itsagrisil at chief operations officer na si Teresa Chaivisut, matapos magbitiw ng beauty queen bilang Miss Grand International 2024.
Nakaranas daw si Rachel ng pagmamaltrato, body shaming, at pagkagutom.
Naging bahagi rin daw ng regular duties niya ang pagla-live selling sa Tiktok ng mga mumurahing produkto.
Dismayado rin si Rachel sa ilang activities na ipinagawa sa kanya during her reign.
Ang dami raw niyang gustong gawin na related sa kanyang advocacies, pero ang claim ni Rachel, kung hindi kikita ang MGI ay hindi siya papayagan ng mga ito.
Kapag hindi naman daw siya sumunod, binabantaan umano siyang idi-dethrone.
Ilang beses daw niyang ipinaabot ang kanyang mga reklamo kina Nawat at Teresa, ngunit hindi umano siya pinakinggan ng mga ito.
Isiniwalat lahat ng ito ni Rachel sa pamamagitan ng halos isang oras na video na inilabas sa YouTube noong May 29.
Source: Rachel Gupta warns new Miss Grand International 2024 CJ Opiaza