Quiboloy, mananagot umano sa batas-Sen. Hontiveros; Quiboloy, pinasaringan ang Senador

Binigyang-diin ni Senador Risa Hontiveros na mananagot sa batas si Pastor Apollo Quiboloy matapos itong sumuko sa mga awtoridad sa Davao City matapos ang mahigit dalawang linggong pagtatago sa compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).

Sinabi ni Hontiveros, nangunguna sa pag-iimbestiga sa krimen ni Quiboloy matapos magreklamo sa Senate committee on women ang ilang kababaihang hinalay ng pastor na itinuturing nitong anak siya ng Diyos.

Idinagdag pa ni Hontiveros na abot-kamay ng biktimang nakapuslit sa kalupitan ni Quiboloy ang hustisya kaya’t nagpasalamat ang mambabatas sa kalakasan ng kanilang loob na lumantad at magsabi ng pangyayari.

Sinabi niya na magpapatuloy ang imbestigasyon ng Senado upang matuldukan na ang sistematikong pang-aabuso sa vulnerable sector.

Nahaharap si Quiboloy sa patong-patong na kaso ng human trafficking, child abuse, money laundering at pagtatago sa batas matapos magpalabas ng warrant of arrest ang Senado sa hindi pagdalo nito sa pagdinig.

Bukod dito, may kasalukuyang kaso din ni Quiboloy sa Federal court ng US sa kasong large scale money laundering, human trafficking, at sexual abuse.

Samantala, pinasaringan naman ni Quiboloy si Hontiveros kaugnay sa kanyang relasyon.