Querubin Llavore, napagkamalan ng may-ari ng isang mamahaling sasakyan sa Dubai

– Kinaaliwan si Querubin Llavore matapos mag-post ng mga larawan sa isang mamahaling sasakyan sa Dubai

– Napagkamalan siya ng may-ari ng sasakyan na nagpapicture dito kaya inanyayahan siyang magpose kasama ang kotse

– Umani ng mahigit 160,000 na “laughing” reactions ang kanyang post at natuwa ang kanyang mga tagasubaybay

– Kilala si Llavore sa kanyang nakakatawang facial expressions sa “It’s Showtime’s Tawag Ng Tanghalan”

Muling pinatawa ni Querubin Llavore ang kanyang mga tagasubaybay sa social media dahil sa kanyang nakakatawang karanasan sa isang may-ari ng mamahaling sasakyan sa Dubai. Siya ay nagbahagi ng mga larawan sa kanyang Facebook page kung saan makikitang nakaupo siya sa driver’s seat ng isang magarang pulang sasakyan sa isang hotel sa Dubai.

Querubin Llavore, napagkamalan ng may-ari ng isang mamahaling sasakyan sa Dubai
Querubin Llavore, napagkamalan ng may-ari ng isang mamahaling sasakyan sa Dubai
Source: Facebook

Sa caption ng kanyang post, isinalaysay ni Llavore ang kakaibang pangyayari na humantong sa mga larawang iyon. “Nasa ground floor ako, inaantay ko ‘yung pinag-orderan ko ng pagkain.

Read also

Claudine Barretto, kinaaliwan sa kanyang ‘Thank you so much’ video

Nagtatanong siya saan daw ‘yung location ko para ma-deliver niya ‘yung food sa’kin,” kwento ni Llavore. Matapos kumuha ng larawan ng hotel, hindi niya napansin na may pulang sasakyan sa labas. Dahil dito, napagkamalan ng may-ari ng sasakyan na pinipicturan niya ang kanilang kotse.

“Pagtapos ko mag-picture, ‘di ko alam itong sasakyan na ‘to nandoon din pala sa labas ng hotel, so nakita ako ng owner na nagpi-picture ako sa labas, akala niya siguro pinicturan ko ‘yung sasakyan niya,” dagdag pa ni Llavore. Tinawag siya ng may-ari at sinabing, “Come here, take a picture with my car.”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram – get the most important news directly in your favourite app!

Sinubukan ni Llavore na ipaliwanag na iba ang kanyang pinipicturan, ngunit nanatiling matiyaga ang may-ari at sinabing, “Come on, don’t be shy.”

Pumayag din si Llavore nang ang asawa ng may-ari ay sumali sa pag-anyaya na magpa-picture kasama ang kanilang kotse.

Read also

Rosmar, naglabas ng ebidensya na nagbabayad sila sa kinainang resto

“Edi nahiya din ako tumanggi. Imbes nag-aantay lang ako ng order ko, nakapag-picture pa ako sa mamahaling sasakyan,” kwento ni Llavore. Dagdag pa niya, “Sabi niya pa ‘SHOW THAT TO YOUR GROUP.’ ANG RANDOM! HUHUHUHUHU.”

Si Llavore ay kilala sa kanyang meme-worthy moment sa “It’s Showtime’s Tawag Ng Tanghalan” dahil sa kanyang nakakatawang facial expressions noong siya ay inanunsyo bilang winner, mula sa pag-iyak hanggang sa paggawa ng wacky pose.

Matatandaang sumalang ang dating aktres na si Alyssa Alvarez sa Tawag ng Tanghalan ng It’s Showtime noong 2023. Kinanta niya ang awiting ‘Sana’y Wala nang Wakas’ at matagumpay niyang naitawid ang kanyang performance.

Pinalagan ni Alyssa Alvarez ang mga netizens na nagkomento ng negatibo laban sa kanya matapos ang kanyang Tawag ng Tanghalan performance. Inalmahan niya ang mga nagkomento na kaya daw hindi siya na-gong ay dahil may pangalan daw kasi siya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa’yo ➡️ hanapin ang “Recommended for you” block at mag-enjoy!