PNP, SUPORTADO NG ALYANSA PARA SA BAGONG PILIPINAS Buong pagkakaisang nagpahayag

PNP, SUPORTADO NG ALYANSA PARA SA BAGONG PILIPINAS
Buong pagkakaisang nagpahayag ng suporta ang mga leader ng limang pinakamalalaking partido pulitikal sa bansa, na bumubuo sa Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, sa pagsisikap ng Philippine National Police na ipatupad ang batas at arestuhin ang matagal nang wanted na si Apollo Quiboloy sa Kingdom of Jesus Christ compound sa Davao City.

Sa pulong ng alyansa—na binubuo ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) ni President Ferdinand Marcos, Jr., ng Lakas-CMD, ng Nationalist People’s Coalition (NPC), ng Nacionalista Party (NP), at ng National Unit Party (NUP)—ngayong Lunes, Agosto 26, tinalakay din nila, sa pangunguna ni House Speaker Martin Romualdez, presidente ng Lakas-CMD, ang mga usaping administratibo kaugnay ng 2025 mid-term elections.

#PilipinasToday
#MartinRomualdez
#AlyansaParaSaBagongPilipinas
#PNP
#Quiboloy
#WannaFactPH